Sue Ramirez iniwan Ang La Luna Sangre para makatrabaho sina Sylvia at Arjo

By Reggee Bonoan November 24,2017
share this

Sue Ramirez iniwan Ang La Luna Sangre para makatrabaho sina Sylvia at Arjo

By Reggee Bonoan November 24,2017
share this

SUE RAMIREZ

IPINAGPALIT ba ni Sue Ramirez ang magandang papel niya sa La Luna Sangre para sa bagong serye ng ABS-CBN na Hanggang Saan?

“Actually po ‘yung career ko, in-entrust ko sa Star Magic, so lahat po ng desisyon na ginawa, I’ll let them make the decisions kasi hindi ko po alam kung ano ang gagawin, lost pa tayo sa industriyang ito, it was more of a management decision than mine,” paliwanag ng Kapamilya youngstar.

Dagdag pa ng aktres, “I auditioned for this (Hanggang Saan) while doing La Luna Sangre, ‘yun nga po ibinigay ang role na Anna so I get the chance to work with them.” na ang tinutukoy ay sina Sylvia Sanchez, Ariel Rivera, Teresa Loyzaga, Maris Racal, Yves Flores, Mario Mortel at Arjo Atayde.

“Siguro po nakita ng management na maggo-grow ako kung dito ako ilalagay. At sobrang happy po ako na naging part ako ng La Luna Sangre,” aniya pa.

Hindi naman kasi nakatuon kay Sue ang karakter niya sa LLS maski na isa siya sa lead star doon kaya siguro mas pinili ng Star Magic ang Hanggang Saan dahil importante ang papel niya bilang anak ni Eric Quizon na napatay sa istorya kung saan involved naman ang pamilya ni Arjo na love interest ng dalaga.
Base sa teaser ng Hanggang Saan, ipinakitang naka-swimsuit si Sue at marami ang nagsasabi na napaka-sexy pala ng dalaga.

“Matagal ko pong pinaghandaan ‘yun, matagal kong ginutom ang sarili ko para lang sa Baler. Itong show na ‘to…tinulungan po ako ng show na ito na makita ang mga plano sa akin at kailangan kong mag-comply sa mga role nan ire-require sa akin.

“Kailangan kong ipakita sa show na kinuha nila ako kasi deserving ako, kaya ipapakita ko talaga na gagawin ko ang best ko at gagawin ko lahat,” say ni Sue.

Natanong din ang aktres kung okay lang sa kanya na maging suporta considering na nasubukan na niyang maging bida sa pelikula.

“Opo, wala naman akong reklamo sa trabahong ibinibigay sa akin, lahat ay opportunity na magawa ko yung craft na mahal na mahal ko which is acting so for as long as may trabaho ako, gagawin ko ‘yung best ko na hinihingi from me, wala akong reklamo. Wala akong tinitingnan na estado ng career, as long as I have work, masayang-masaya na po ako,” pahayag ng aktres.

Sana hindi magbago si Sue kapag sumikat na siya nang husto dahil ganito rin ang mga sinasabi ng mga dating baguhan na mga sikat na ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending