Jean 3 taon nang walang BF: Kung hindi pang-lifetime, wag na lang! | Bandera

Jean 3 taon nang walang BF: Kung hindi pang-lifetime, wag na lang!

Ervin Santiago |November 24,2017
facebook
share this

Jean 3 taon nang walang BF: Kung hindi pang-lifetime, wag na lang!

Ervin Santiago - November 24, 2017 - 12:05 AM

JEAN GARCIA

LOOKING young and fresh pa rin ang award-winning actress na si Jean Garcia sa edad na 48. Two years na lang ay Golden Girl na ang Kapuso star pero hindi ito makikita sa kanyang aura.

Sa presscon ng bago niyang primetime serye sa GMA, ang Kambal Karibal, pinansin ng ilang members ng entertainment media na parang hindi siya tumatanda. Imagine may apo na nga siya ngayon pero malayung-malayo sa kanyang itsura ang pagiging lola.

Ayon kay Jean, masaya lang daw siya ngayon at kuntento sa buhay kaya siguro fresh ang kanyang itsura. Kinakarir na rin daw niya ang pagpunta sa gym para makapag-workout na siyang dahilan kung bakit ang sexy-sexy pa rin niya until now.

Pero inamin ng Kapuso actress na halos tatlong taon na siyang walang boyfriend, “Single pa rin ako, pero hindi na available. Parang ganu’n. Basta hindi ko siya priority ngayon. Mahirap i-explain, basta single, pero nagdi-date naman.”

Hindi naman totoong napakataas na ng standard niya ngayon sa lalaki dahil ilang beses na siyang minalas sa lovelife, “Wala namang ganu’n. Basta ang gusto ko lang, lifetime partner. Gusto ko kung magkakaroon man ako ng next na boyfriend, yung lifetime na. Kung hindi lang, huwag na lang.

“Okey na akong single ako kasi happy naman ako. Ngayon, three years na akong walang boyfriend, okay lang din, masaya rin,” paliwanag ni Jean.

Nang matanong kung hindi ba niya nami-miss ang may katabi sa kama? “Siyempre nakaka-miss din ang may katabi, pero hindi kasi siya priority. Parang ang priority ko are my kids, mas more nakatutok ako ngayon sa family. And sa career na palagi namang nandiyan at hindi ko naman pinapabayaan. At mahal ko ang trabaho ko.”

Samantala, kakaiba naman ang role ni Jean sa seryeng Kambal, Karibal. Siya ang tatayong nanay ng kambal na sina Crisanta (Bianca Umali) at Criselda (Pauline Mendoza) na magiging sentro ng kuwento.

“Medyo pa-comedy ang atake ko rito kaya bago naman. Kahit nga ‘yung mga kasamahan ko rito, yung production, tawa sila nang tawa, hindi raw nila ma-imagine ‘yung mga pinaggagawa ko sa mga eksena.

May pagka-palengkera kasi ‘yung character ko, maingay pero mapagmahal siya, sweet din,” chika pa ni Jean.

Makakasama rin sa Kambal Karibal sina Carmina Villarroel, Aldred Vargas, Miguel Tanfelix, Gloria Romero, Christopher de Leon, Jeric Gonzales, Rafa Siguion-Reyna, Kyline Alcantara, Sheree at Gardo Versoza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ito sa GMA Telebabad simula Nov. 27.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending