Maine nakiusap sa AlDub fans, tigilan na ang pamba-bash kay Gabbi: She's nice! | Bandera

Maine nakiusap sa AlDub fans, tigilan na ang pamba-bash kay Gabbi: She’s nice!

Ervin Santiago |November 23,2017
facebook
share this

Maine nakiusap sa AlDub fans, tigilan na ang pamba-bash kay Gabbi: She’s nice!

Ervin Santiago - November 23, 2017 - 12:01 AM

NAKIUSAP si Maine Mendoza sa kanyang mga fans na tigilan na ang pamba-bash sa kapwa Kapuso artist na si Gabbi Garcia. Inookray kasi ngayon ang dalaga dahil sa diumano’y pang-iisnab nito kay Maine pagkatapos ng “Under The Stars” fashion event.

Isang video ang kumalat sa social media kung saan makikita si Maine na nakikipag-usap sa ilang artistang malapit sa kinatatayuan niya sa stage tulad nina Kim Chiu, Richard Gutierrez, Kathryn Bernardo at Julia Barretto.

Mapapanood din sa video na halos ilang metro lang ang layo ni Maine kay Gabbi ngunit hindi man lang daw nilapitan ng huli ang Dubsmash Queen sa halip si Julia lang na malapit din sa kanya ang binati nito. Nakita rin ang ka-loveteam ni Gabbi na si Ruru Madrid na binati si Maine.

Dahil dito, maraming AlDub fans ang nagalit kay Gabbi at sinabihan pa ito ng plastik at isnabera.
Narito naman ang tweet ni Maine para sa kanyang followers, “Hi guys, please do not bash Gabbi.

Clearly, hindi lang niya napansin kaya sana wag na gawan ng issue. She is actually a nice person.”
Dugtong pa niya, “Ang totoo niyan, siya pa nga yung palaging lumalapit at bumabati sa akin.”

Sinagot naman ito ni Gabbi ng, “Thank you Maine, I appreciate this so much!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending