Basketball goal bumagsak; stude patay, 1 pa sugatan | Bandera

Basketball goal bumagsak; stude patay, 1 pa sugatan

John Roson |November 22,2017
facebook
share this

Basketball goal bumagsak; stude patay, 1 pa sugatan

John Roson - November 22, 2017 - 04:25 PM
Nasawi ang isang estudyante at isa pa ang nasugatan nang mabagsakan ng basketball goal ng kanilang paaralan sa Zamboanga City nitong Martes, iniulat ng pulisya Miyerkules. Nasawi ang 12-anyos na si Grey Shen Kurt Balanto, isang Grade 8 student sa Don Pablo Lorenzo Memorial High School, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police. Isinugod naman si Jay Mark Gutierrez, 13, isa ring Grade 8 student, sa Cuidad Medical Center dahil sa mga tinamong pinsala sa mukha. Naganap ang insidente dakong alas-12:25 ng tanghali sa gymnasium ng Don Pablo Lorenzo Memorial High School. Sadyang nagtungo sa gym sina Balanto, Gutierrez, at ang 14-anyos na si Remitch Remigio, isa ring Grade 8 student, noong kanilang lunch break para makakuha ng libreng Wi-Fi connection, ayon sa ulat. Lumabas sa imbestigasyon na naupo si Remigio sa ilalim ng basketball goal at napansin itong unti-unting bumabagsak. Sinabiyan niya ang mga kasamahan na lumayo sa goal, pero hindi umano narinig ni Balanto ang babala dahil gumagamit ng headset ang huli, ayon sa ulat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending