Male personality feeling pogi, mahilig mang-ahas

By Cristy Fermin November 21,2017
share this

Male personality feeling pogi, mahilig mang-ahas

By Cristy Fermin November 21,2017
share this

NAKU, kung nakatitigok lang ang pagpipista sa isang tao, siguradong pinaglalamayan na ngayon ang isang male personality na kinaiinisan ng kanyang mga katrabaho.

Hindi siya artista, hindi rin siya TV host, pero may kinalaman siya sa pagbubuo ng isang proyekto ke sa pelikula man ‘yun o sa telebisyon.

Feeling-guwapo ang tawag sa kanya dahil pakiramdam ng male personality ay kaya niyang ligawan at maging karelasyon ang kahit sinong artistang matipuhan niya.

Sabi ng isang miron, “Okey lang naman kung ang tingin niya sa sarili niya, e, siya na ang pinakaguwapo at pinakamadatung na lalaki sa buong mundo. Trip niya ‘yun, e, kaya ibigay na natin sa kanya ang ilusyon niya!

“Pero ang ikinabubuwisit sa kanya ng mga katrabaho niya, e, sobrang confident niya, wala siyang respeto sa karelasyon ng girl. Kahit alam niya na taken na ang babae, e, nililigawan pa rin niya!

“Kapag me may-ari na, e, huwag nang umepal pa, huwag nang magpapogi, dahil siguradong magagalit ang BF ng babaeng inuungguy, di ba?

“Sarilinin na lang ang ilusyon na super-pogi siya at kaya niyang regaluhan ng mga branded stuff ang girl. Manahimik na lang para hindi siya malagay sa alanganin,” kuwento ng aming source.

Gaano katotoo na may gusto kasing patunayan ang male personality kaya ganu’n na lang siya kahilig manligaw? Minsan lang niyang makasama ang babae ay popormahan na niya agad-agad.

“Kulang ba siya sa research o talagang nagtatanga-tangahan lang siya para makalusot sa mga ginagawa niya? E, showbiz naman siya, alam niya ang mga nangyayari sa paligid niya, pero ganu’n pa rin ang ginagawa ng mokong na ‘yun?

“Alam n’yo, may makakatagpo ring katapat ang male personality na ‘yun. Tingnan lang natin kung makasisigaw pa siya ng action at cut kapag nangyari ‘yun!” pagtatapos ng aming impormante.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, madalas palang sumisigaw ng action at cut ang male personality na ito! Getlak n’yo na kung sino siya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending