Xander Ford binaboy daw ang mga kanta ni Sarah: Bumalik ka na sa pinanggalingan mo! | Bandera

Xander Ford binaboy daw ang mga kanta ni Sarah: Bumalik ka na sa pinanggalingan mo!

Alex Brosas |November 19,2017
facebook
share this

Xander Ford binaboy daw ang mga kanta ni Sarah: Bumalik ka na sa pinanggalingan mo!

Alex Brosas - November 19, 2017 - 12:10 AM

XANDER FORD AT SARAH GERONIMO

SA tingin ng maraming netizens, binaboy ni Xander Ford ang kanta ni Sarah Geronimo na “Kilometro.”

Nag-viral sa social media ang video ni Xander which showed him singing Sarah’s hits. Sadly, sablay naman daw ito dahil out of tune palagi.

“Hoy wag mong sinisira ang magagandang kanta. Bat hindi ka gumawa ng sarili mong kanta para kahit papano sumikat ka nman. Hahahaha?”

“Hoy Marlou Arizala bumalik ka sa pinanggalingan mo kung san ka man planeta nanggaling.”

“Tapus na ang Halloween Xander bat ngayon kapa nananakot? Ang boses mo daw Mumu.”

‘Yan ang mga pamba-bash kay Xander.

Hindi nagpatalo ang fans at ipinagtanggol naman ang internet sensation.

“Mga basher, hayan nyo syang kumanta ng kumanta, hilig nya eh! Kantahin nya lahat ng sikat na songs, bakit ba masyado kayong affected, hwag nyo ng panoorin, dyan sya masaya, hala bira!”

“Madami naman artista pangit din boses ah! Bat ba ang galing nyo manghusga marunong ba kau kumanta? Buti nga c Xander nagtrabaho para sa pamilya kau ano ang pinagkakaabalahan nyo? Puro bash? Kaya hndi umasenso ang Pilipinas dahil sa tulad n’yo?”

“Siya nagtratrabaho ng maayos, kumanta man siya kahit wala sa tono kinakaya parin niya kantahin para sa pamilya nia maahon sila sa hirap….at lalong lalo na tinatanggap niya mga panlalait nio sa kanya. kahit sobra na sakit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending