OFW magtatayo ng negosyo

By Liza Soriano November 17,2017
share this

OFW magtatayo ng negosyo

By Liza Soriano November 17,2017
share this

AKO ay isang Midwife dati dito sa Taguig Metro Manila sa isang Lying- Clinic, 23 years old na po, dalaga at tubong Quezon Province. Sa kasalukuyan ako po ay isang OFW dito sa Qatar, Mag tatlong buwan na po. Bale inaplayan ko po dito sa Agency sa Pilipinas ay Caregiver at pinirmahan ko dito. Pero pagdating po dito pinapirma ulet po ako ng isa pang contract at nakalagay po doon ay househelper. Kambal po ang inaalagaan ko rito. Subalit, hindi po nagbibigay ng day-off at overtime ang amo ko. Inisip ko po na magtiis muna ng 6 na buwan para po makaipon man lang ng konting pangkapital sa kahit maliit na negosyo. Ano po ba ang maayos na negosyo at meron po kayang kahit na short courses na pwede kong maging gabay sa pang pinansyal at negosyo?

Marami pong
salamat

Daisy Jane Ferrer
Qatar

REPLY: May ipinatutupad na small business management training and financial awarness seminar ang National Reintegration Center for OFWs (NRCO)

Layunin ng training na ito na tumulong sa OFWs at kanilang pamilya na nagkaroon ng financial literacy at himukin silang magtayo ng maliit na negosyo for self-employment.

Bahagi ng inisyatibong ito ang project ng NRCO na makapagsanay ng mga OFWs na maging investor at entrepreneur.

Mayroon din itong training kaugnay na pangunahing kailangan para makakuha ng tulong pangkabuhayan para matulungan ang mga OFW at kanilang pamilya na maunawaan ang iba’t ibang aspekto ng negosyo lalo na sa pagsisimula ng negosyo
NRCO-OIC Director Melvin Caseda

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending