Kalat na: Coco, Julia naghiwalay na; Angeline eeksena | Bandera

Kalat na: Coco, Julia naghiwalay na; Angeline eeksena

Reggee Bonoan |November 11,2017
facebook
share this

Kalat na: Coco, Julia naghiwalay na; Angeline eeksena

Reggee Bonoan - November 11, 2017 - 12:10 AM


HINDI kaya muling manumbalik ang espesyal na pagkakaibigan nina Coco Martin at Angeline Quinto ngayong kasama na sa FPJ’s Ang Probinsyano ang singer-actress?

Base sa napanood naming episode nitong Miyerkules ay kabilang si Angeline sa mga bagong pasok na karakter sa aksyon serye ni Coco, kasama sina Rico J. Puno, Janno Gibbs at Irma Adlawan. Simula pa lang ay nakakatawa na ang ganap nila bilang isang pamilya, lalo na sa eksenang nananalangin sila bago mag-agahan, iba-iba kasi ang tono nila nang sabay-sabay silang magsabi ng “Amen”.

Nagulat kami sa karakter nina Angeline at Janno dahil miyembro pala sila ng sindikato na nandudukot sa kanilang lugar.

Sa eksenang naabutan namin, nagkaroon na agad ng habulan dahil nabuking na kinuha nila ang gamit ng kanilang nakabangga at dito nga nila nadaanan sina Coco (Cardo) kasama ang grupo ni Lito Lapid (Leon).

Tinext namin si Angeline kung bakit siya tumanggap ng karakter na mandurukot habang tinitipa namin ang balitang ito, tinawagan niya kami at halatang bagong gising ang dalaga.

“Ate Reggs, nandito ako sa Cebu, may show ako later. Matutulog muna ako kasi galing ako sa taping ng Probinsyano, tapos uuwi ako tomorrow morning diretso uli sa taping,” paliwanag sa amin ng singer-actress.

Ang paliwanag ni Angeline sa karakter niya sa serye ni Coco, “Actually biglaan po, hindi ko alam kasi nu’ng Sunday lang ako sinabihan na mag-guest though matagal nang sinasabi pero hindi namin natatanggap kasi hindi po kaya ng schedule kasi ang taping po ng Probinsyano, Mondays, Wednesdays at Fridays.

“E, may taping po ako ng Monday, Tuesday at Wednesday ng I Can See Your Voice tapos in between po, may corporate shows pa ako, tulad sa November 15 nasa New Zealand po ako at one week po ako ro’n, tapos sa December nasa New York po kami nina Erik Santos at Morissette kasi may show kami hanggang Pasko, kaya hectic po.

“Tapos nu’ng sinabi nga nu’ng Linggo na need ko na mag-taping, nagawan ng paraan ang Monday, kaya first taping ko po ‘yun ng Probinsyano (Nov. 6).

“Yung character ko po na mandurukot, hindi ko alam kung magtatagal kasi hindi ko pa po alam ang mangyayari. Pero kasi po, ‘yun lang ang dahilan para matulungan ko ang family ko kasi mahirap lang kami ro’n, sa squatters area kami nakatira. Abangan n’yo po kasi maraming kuwentong mabubuksan ulit na may kinalaman ang tatay ko (Rico J) sa mga taga-Pulang Araw,” kuwento pa ng singer-actress.

q q q

Tinanong namin kung ano ang pakiramdam na muli silang nagkita ni Coco, “Sabi ko po sa kanya na-miss ko siyang katrabaho at ngumiti naman po siya, ganu’n din daw po siya,” sabi ng dalaga.

Tinukso rin namin si Angge kay Coco, “Naku ate Reggs, magkaibigan po kami ni Coco kaya wala po ‘yun,” mabilis na sagot sa amin.

Sa tanong kung paano niya napag-aralan ang karakter niyang mandurukot at kung madali lang ba sa kanya ang gampanan ito.

“E, alam ko na po ‘yan kasi sa tinirhan ko dati nakikita ko ‘yung galawan ng mga mandurukot kaya alam na alam ko ‘yung tinginan at galaw nila,” pahayag ni Angge.

Dagdag pa niya, “Basta ate Reggee, abangan mo ang Probinsyano kasi tiyak na matutuwa ka sa role namin doon.”

At nagpaalam na ang dalaga dahil antok na antok na raw siya. Kaya bossing Ervin, alam mo na kapag natsismis sina Coco at Angeline.

Teka, trulili ba ang narinig namin na hiwalay na sina Coco at Julia Montes? May nakapagsabi kasi sa amin na nagdesisyon na raw ang dalawa na magkanya-kanya muna at pagtuunan na lang ng pansin sa ngayon ang kanilang respective careers.

q q q

Isang umagang puno ng pag-ibig ang sumalubong sa mga manonood matapos nilang matunghayan ang inaabangang pag-iisang dibdib nina Bianca (Kim Chiu) at Gabriel (Gerald Anderson) sa Ikaw Lang ang Iibigin.

Naganap na nga ang pinakaimportanteng araw sa buhay nina Bianca at Gabriel matapos ang kanilang kasal na nagmarka sa pag-uumpisa ng panibagong yugto ng kanilang buhay. Dinaluhan din ito ng kanilang mga mahal sa buhay na nagpakita ng suporta at nagpadama ng mainit na pagmamahal na lalong nagpasaya sa okasyon.

Ngunit hindi rin napigilan ang pagpatak ng mga luha sa pagsariwa ng dalawa ng kanilang mga naging karanasan at sa pagbabahagi ng kanilang mga pangako para sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nakiisa din ang mga manonood sa ginanap na kasalan matapos manguna sa national TV ratings ang serye ng Kimerald.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending