Coco-Yam loveteam patok sa ‘Ang Probinsyano’ | Bandera

Coco-Yam loveteam patok sa ‘Ang Probinsyano’

Reggee Bonoan |October 24,2017
facebook
share this

Coco-Yam loveteam patok sa ‘Ang Probinsyano’

Reggee Bonoan - October 24, 2017 - 12:01 AM

NAGSIMULA nang mag-taping si Yam Concepcion para sa bagong serye ng ABS-CBN na Love Will Lead You Back mula sa RSB Unit kasama sina Jericho Rosales, Yen Santos at Sam Milby mula sa direksyon ni FM Reyes.

As of this writing ay napapanood pa rin si Yam sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Lena na miyembro ng Pulang Araw at may gusto kay Fernan/Cardo Dalisay (Coco Martin) pero hindi siya gusto ng huli.

Sa pagkakaalam namin ay dalawang buwan lang si Yam sa aksyon serye ni Coco, pero dahil nag-click ang tambalan nila simula nu’ng napadpad sa bundok si Cardo ay itinuloy-tuloy na ng production.

Ang tarush ni Yam dahil nagkasabay ang ginagawa niyang dalawang serye.

Pero hindi naman puwedeng maging sina Lena at Fernan/Cardo dahil nandiyan pa rin si Alyanna (Yassi Pressman), lalo na ngayong nagkita na sila nang paluwasin ni Alakdan (Jhong Hilario) sa Maynila para sa isang sekretong misyon.

At dahil nahuli ni Alyanna ang asawang si Cardo na magkasama sila ni Lena ay nahihirapan siyang maniwala sa kuwento nito kung totoo o hindi.

Abangan ang mga susunod na matutuklasan ni Cardo kung sino ang mata nina Alakdan na taga-gobyerno sa pagpapatuloy ng FPJAP pagkatapos ng TV Patrol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending