Vice 'nanggigil' sa mga babaeng feeling chaka pag niloloko ng bf | Bandera

Vice ‘nanggigil’ sa mga babaeng feeling chaka pag niloloko ng bf

Reggee Bonoan - October 24, 2017 - 12:10 AM

VICE GANDA

KINUKUHA palang endorser ng isang cosmetic brand si Vice Ganda pero sa Amerika lang ito mabibili. Tinanggihan ito ng It’s Showtime at Gandang Gabi Vice host dahil ang gusto niya ay magkaroon ng sariling brand.

Hindi naman nagdalawang-isip ang ilang partners ni Vice kaya nabuo ang sarili niyang cosmetic line na kinabibilangan ng lipstick bullet at lipliner/lip liquid na may iba’t ibang variants (color) tulad ng Tarush, Kering-keri, Good Vibes, Kavogue, Aura, Hayabayabayu, Ganderz at Pak Ganern.

Kuwento ng isa sa partners ng TV host-comedian na si Kate Valenzuela, “Ayaw ni Vice maging endorser lang, gusto niyang magkaroon ng cosmetic line, so hayan kaya nagkaroon na ng lipstick muna this year. Early next year 2018, isusunod na ang sa mga eye colors, powder at foundation.

“Si Vice mismo ang nagpababa ng presyo para maski raw estudyante kayang bumili, dati kasi ang presyo ng bullet, nasa P200 plus or almost P300, pero sabi ni Vice gawing P195 lang. Tapos ‘yung lipliner at liquid ay P295.

“Tapos ‘yung bawa’t pangalan ng lipstick at lipliner/liquid tulad ng Girly, Unicorn, Showtime Star etcetera, si Vice lahat nagpangalan lahat. Cute naman di ba?” pahayag pa sa amin.

Sa tanong kung paano nabigyan ng iba’t ibang pangalan ang bullet lipstick, depende ba ito sa kulay, “Ewan ko sa kanya, siguro ramdam niya, siya ‘yung nakakaalam, eh,” saad sa amin ni Kate.

Ilan sa mga kasosyo ni Vice ay staff members niya para raw may konting negosyo kapag wala na siya, “Make-up artist niya, ‘yung tagagawa ng wig niya, lahat ‘yun kasi gusto niya may negosyo rin pagdating ng araw na wala na siya. Eventually magkakaroon na rin kami ng wig since gumagamit din naman siya no’n,” kuwento pa ni Kate.

Ang iba pang partners ni Vice ay sina Macky and Ana Samaco, Au Mauricio, Rhoda Aldenese, Jon Lim, Cathy Lao, Ruben Rodriguez, at Arsenio Valencia.

Samantala, magandang strategy ang ginawang launching ng Vice Ganda Cosmetics dahil idinaan ito sa isang malaking concert, ang “Vice Ganda 4 All” na ginanap pa sa Araneta Coliseum.

Hindi ito tulad ng mga nakaraang concert ni Vice na may promo at publicity.

Ang nangyari, bibili ka ng cosmetics ni Vice at kapalit nito ay VIP tickets at talagang ang daming bumili dahil kitang-kita namin na kahon-kahon ang mga bitbit ng mga lalaking kasama ang kanilang girlfriends, may mga babae rin na ganu’n din ang bitbit.

Ang hashtag ng concert at ng launching ng TV host ay “Ganda For All” kaya naman muli siyang humirit ng kanyang mga “nanggigigil” comments, lalo na sa mga babaeng feeling chaka kapag nakikipag-break sa kanilang mga boyfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon kay Vice, gigil na gigil siya sa mga taong laging sinisisi ang kanilang sarili kapag nauuwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Aniya, dapat daw laging positive ang pananaw ng isang indibidwal sa kabila ng pagkabigo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending