'Bes And The Beshies' tawanan mula simula hanggang ending | Bandera

‘Bes And The Beshies’ tawanan mula simula hanggang ending

Jun Nardo |October 19,2017
facebook
share this

‘Bes And The Beshies’ tawanan mula simula hanggang ending

Jun Nardo - October 19, 2017 - 12:25 AM

WALANG patid na katatawanan ang handog ng “Bes And The Beshies” na pinagbibidahan nina Ai Ai delas Alas, Carmi Martin, Beauty Gonzales at Zsa Zsa Padilla. Bumigay sila nang husto sa kanilang mga eksena kaya aliw na aliw ang mga nakapanood sa premiere night nu’ng Martes sa Cinema 3 ng SM Megamall.

Walang sapawan, walang nakawan ng eksena sa apat na bida. Lahat sila ay may kanya-kanyang moments hindi lang sa pagpapatawa kungdi sa pagpapaiyak din!

Iba’t ibang klaseng ng emosyon din kasi ang ipinamalas ng apat. Pero kahit nag-i-emote sila eh, nakakatawa pa rin ang kanilang mga eksena kaya mula simula hanggang ending ay hagalpakan lang ang mga tao sa sinehan.

Hiyawan at palakpakan din ang manonood sa arya ni Ai Ai nang matuklasan ang sikreto ng anak na ginampanan ni Nikko Natividad. Si Beauty naman, may mga mura mang lumalabas sa dayalog niya, hindi offensive ang kanyang mga hirit.

Consistent din ang puntong Bisaya ni Zsa Zsa na martir na asawa ang role habang si Carmi naman, super-landing kabit ang karakter na patok na patok din sa mga tao.

Grade B ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board sa “BATB” mula sa Cineko Productions. Ito’y sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending