Janine sa relasyon nila ni Rayver: Chill-chill lang muna kami! | Bandera

Janine sa relasyon nila ni Rayver: Chill-chill lang muna kami!

Jun Nardo |October 12,2017
facebook
share this

Janine sa relasyon nila ni Rayver: Chill-chill lang muna kami!

Jun Nardo - October 12, 2017 - 12:10 AM

SUPALPAL ang nagsasabing lilipat na ng network si Janine Gutierrez. Dumalo kasi sa Star Magic Ball ang Kapuso actress kasama ang nali-link sa kanyang si Rayver Cruz kaya may lumutang na ganoong tsismis.

“Hindi po totoo ‘yon!” bulalas ni Janine nang makausap ng ilang members ng entertainment press. Ang paglipat ng bagong management ang ginawa niya. Kumalas na siya sa GMA Artist Center na co-manager ng ina niyang si Lotlot de Leon nu’ng pasukin niya ang showbiz.

Si Leo Dominguez ng LVD Management ang manager ngayon ni Janine. Ayon naman kay Leo, under negotiations na ang bagong kontrata ng aktres sa GMA. Sa ngayon, natapos na niya ang horror movie na “The Spirit of the Glass 2” at patuloy na tini-tape ang digital series na The Unbroken Hearts.

Komo si Rayver ang ka-date niya sa SM Ball, patuloy pa rin ang tsismis na may relasyon na sila na kanyang itinanggi. “Career muna ang focus ko. Mahirap ang focus sa work kapag may boyfriend. Chill, chill lang muna. Enjoy, enjoy lang kami ni Rayver,” saad ni Janine.

May pag-asa ba si Rayver sa kanya? “Ang hirap naman nu’n! Basta super-enjoy kami pag magkasama! Siyempre, meron naman,” sey niya.

Ano ang status nila ngayon ni Rayver? “We’re friends. Close. Lumalabas-labas po. Hindi ko po siya boyfriend,” deklara ng Kapuso actress.

Bukod sa pag-arte, pinasok na rin ni Janine ang recording. Nu’ng bumiyahe sa Los Angeles, California, ni-record niya ang kantang produced ng RedOne, ang producer nina Lady Gaga at Jennifer Lopez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending