Nagkaayos na: Pagiging transman ni Jake Zyrus tanggap na ni Lola Tess | Bandera

Nagkaayos na: Pagiging transman ni Jake Zyrus tanggap na ni Lola Tess

Cristy Fermin |October 09,2017
facebook
share this

Nagkaayos na: Pagiging transman ni Jake Zyrus tanggap na ni Lola Tess

Cristy Fermin - October 09, 2017 - 12:20 AM

NANOOD ng concert ni Jake Zyrus ang kanyang lola, ang kanyang Nanay Tess, ang tunay na nagpakahirap sa kanyang pangarap na makilalang singer.

Nang tawagan ni Jake ang kanyang Nanay Tess ay ganito raw ang nangyari, “Hindi niya po ako mabosesan nu’ng una, kaya ang sabi ko sa lola ko, ‘Ako po ang batang tinuturuan n’yo nu’n ng kundiman!’

“Ayun, nakilala niya na agad ako, kaya ang sabi niya, ‘Naku, magpunta ka nga dito, dalawin mo ako!’ Sabi ko, e, hindi ko siya dadalawin, magkikita kami sa mismong concert night ko, ipasusundo ko siya,” kuwento ni Jake Zyrus.

At nu’ng nakaraang Biyernes nga nang gabi ay nasa Music Museum si Nanay Tessie, nanood ito sa concert ng kanyang apo, masayang-masaya ang transman dahil sa wakas ay tapos na ang giyera ng pagkontra sa kanyang desisyon ng kanyang lola.

Magaling pa ring performer si Charice Pempengco. Naglantad man siya ng tunay niyang kasa-rian bilang si Jake Zyrus ay hindi mabubura ang talentong naging hagdan niya sa tagumpay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending