Life story ni Boy Abunda pampelikula | Bandera

Life story ni Boy Abunda pampelikula

Reggee Bonoan - September 29, 2017 - 12:05 AM

BOY ABUNDA

IBA pala talaga ang pakiramdam kapag nabasa mo na ang librong “It’s Like This” ni Eugenio “Boy” Abunda, Jr. – maluluha ka sa bawa’t kuwento ng buhay niya.

Alam naman ng lahat na lumaking mahirap ang King of Talk sa baryo ng Borongan, Eastern Samar kasama ang ate niya na kung tawagin ay Manang Fe.

Isang public school teacher ang nanay ni kuya Boy na kasama niya ngayon sa kanyang bahay habang ang tatay niya na isang kundoktor sa bus ay matagal nang nawala sa piling nilang mag-ina.

Nagkakilala ang magulang ni kuya Boy sa bus na biyaheng Borongan-Catbalogan na araw-araw sinasakyan ng kanyang ina. Maski mahirap ay masaya raw ang mag-anak, hindi naman daw nila ramdam ito dahil punumpuno ng pagmamahalan ang kanilang tahanan.

Bunso ang TV host kaya pinag-aral siya sa seminaryo nang tumuntong na ng high school at sa murang edad ay alam na niya ang kanyang sexual preference at tanggap iyon ng magulang niya at suportado pa siya.

Nagsimulang makaranas ng sobrang hirap si kuya Boy nang lumuwas siya ng Maynila para mag-aral dahil iniwan na sila ng tatay niya kaya mag-isa silang itinaguyod ng kanilang ina.

Iilang pahina palang ang nababasa namin sa “It’s Like This” pero naiyak na kami, ramdam namin ang mga hirap na dinanas ng TV host sa buhay niya noon na ngayon ay may titulo ng Doctor of Philosophy.

Narito ang ilang mahahalagang detalye na nabasa namin sa libro ni kuya Boy.

“# 21 when Tatay died, I was forced to live. #22 I wandered aimlessly. Luneta became my address.

Mabini was an amusement park where red lights were comforting to a lost boy in search of himself.

#24 I learned how to dream on my own.

“At the top of my list was to give Nanay the best life. How? I had no clue. I was so hungry, I was willing to do anything, eat fire? Walk on wires? Sell the Jones Bridge? Anything! As long as it would bring me closer to my dreams. It was tougher than tough but nothing is tough to a foolish adolescent with a dream. #26 The big city was dangerous, I learned how to live with danger.”

Sabi nga namin, masuwerte pala kami dahil hindi namin naranasan ang buhay na na-experience ni kuya Boy kaya hands-off kami sa kanya dahil lumaban talaga siya at heto’t tinitingala na ang isang Eugenio Abunda, Jr..

Sa ginanap na “It’s Like This” book launch sa The Atrium ng Shangri-La Plaza Mall nitong Linggo ay maraming netizens ang dumalo, from all walks of life ika nga. Talagang nakipag-participate sila sa question and answer at nasagot naman ng author ng libro ang kanilang mga tanong.

Komento ng ilang nasa book launch, pwedeng gawing pelikula o i-feature sa Maalaala Mo Kaya ang life story ng TV host dahil sa dami ng matututunan ng mga tulad niyang nagsikap para matupad ang mga pangarap sa buhay sa kabila ng kahirapan.

Iba ang istilo ng “It’s Like This” book, bagay na mas madaling basahin at intindihin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mabibili ang “It’s Like This” ni Boy Abunda sa lahat ng National Books Store at Power Books mula sa ABS-CBN Publishing.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending