BF ang Christmas Wish sa Pasko (2) | Bandera

BF ang Christmas Wish sa Pasko (2)

Joseph Greenfield |September 22,2017
facebook
share this

BF ang Christmas Wish sa Pasko (2)

Joseph Greenfield - September 22, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Pam ng Anao, Cabagan, Isabela
Problema:
1. Sa darating na November 7 ay 25 na ako. Ang problema ay ni minsan ay hindi pa ako nagka-boyfriend. May mga nanliligaw naman sa akin pero hindi ko sila gusto. Wish ko na ligawan ako ng lalaking crush ko na isinilang noong July 2, 1990 at wish ko rin na sana siya na ang maging first and last na maging boyfriend ko. At sana bago sumapit ang Pasko ay magka-boyfriend na ako para maging masaya naman ang Pasko ko.
2. Tuwing Pasko na lang boring ang life ko kasi ang mga kaibigan ko ay may ka-date at ang iba ay may kasamang BF na magse-celebrate ng Christmas, pero ako ay ilang Christmas nang laging zero ang love life ko. Matutupad kaya ang wish ko na magka-boyfriend na sa Paskong ito?
Umaasa,
Pam ng Isabela
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 1.), ang nagsasabing kung ang lalaking kasalukuyan mong crush ay isinilang sa zodiac sign na Cancer, na iyon nga pala ang zodiac sign niya, dahil July 2, ang birth date ng nasabing lalaki, tiyak ang magaganap – matutupad ang wish mo ngayong Pasko – magiging nobyo mo siya.
Numerology:
Ang nakatutuwa, hindi lamang kayo sa Astrology compatible, compatible rin kayo sa birth date. Ang birth date mong 7 ay sadyang tugma sa birth date niyang 2. Ibig sabihin, darating ang malapit na sitwasyon o pagkakataon, liligawan ka niya hanggang sa tuluyang mabuo ang isang matimyas at masayang relasyon.
Luscher Color Test:
Upang mas madaling matupad at magkatotoo ang Christmas wish mo, lagi kang magsuot ng paborable mong kulay pula at berde. Ang nasabing mga kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag na suwertye at kaligayahan sa larangan ng pag-ibig o love life.
Huling payo at paalala:
Pam, ayon sa iyong kapalaran, tiyak na ang magaganap, sa pagpasok na pagpasok ng Oktubre liligawan ka ng lalaking crush mo upang bago sumapit ang Pasko ay sasagutin mo na siya upang pagsapit ng saktong buwan ng Disyembre, habang nagsisimbang gabi, ay isang matimyas at maligayang relasyon ang mabubuo. Hahantong ito sa isang maligaya at pang habang buhay ng relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending