Special block screening ng MayWard fans binisita nina Maymay at Edward | Bandera

Special block screening ng MayWard fans binisita nina Maymay at Edward

Djan Magbanua |September 15,2017
facebook
share this

Special block screening ng MayWard fans binisita nina Maymay at Edward

Djan Magbanua - September 15, 2017 - 06:07 PM

“OXYGEN!”, yan ang sigawan ng mga fans sa loob ng Dolphy Theater noong Huwebes ng gabi.

Kilig na kilig sila sa mga eksena nila Maymay Entrata at Edward Barber sa kanilang first movie na Loving in Tandem.

Full force silang nanood, with matching t-shirts and banners pa, huh!

Speaking about the movie, talagang nakakatawa ang batuhan ng linya lalo na sina Maymay at Ryan Bang.

Tilian naman ang mga girls tuwing nakikita si Edward. Ang gwapo ng rehistro ni Edward sa big screen kasi kaya hindi na mapigilan ang kilig ng mga manonood.

Maganda ang mga hugot lines at inspirational quotes mula sa istorya na para sa amin ay well written naman.

Anyway,  dumaan saglit sina Maymay at Edward sa Dolphy Theater para bumati at magpasalamat sa mga fans nila.

Nakipagkamay at nakipag-selfie ang dalawa sa mga manonood, to the delight of the MayWard fans.

Balita din namin talagang binibisita ng MayWard ang mga nagpapablock screening na fans. Ayon sa nakausap namin mula sa MayWard Official, na siyang nanguna sa pa block screening, apat na block screening ang dinaanan nila Maymay at Edward sa araw pa lang na iyon

Showing na ang Loving in Tandem sa pinakamalapit na sinehan sa malapit sa inyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending