Ronnie laging ka-join sa concert ni Sarah at ng JaDine
Panay ang promote ni Ronnie Liang sa pelikulang “Fan Girl Fan Boy” dahil kasama rin siya sa pelikula nina Julian Trono at Ella Cruz mula sa Viva Films.
Ginampanan ni Ronnie ang karakter na Mr. Goon bilang ka-loveteam ni Yam Concepcion na isang Korean actress sa kuwento.
Biro namin sa binata, kumo-Korean ang peg niya ngayon at natawa naman dahil sa totoo lang ay Mr. Goon daw ang tawag sa kanya o kaya ay Mr. Edmund, pangalan niya sa “100 Tula Para Kay Stella” na may-ari ng Tipsy Tarsier bar.
Sabi nga ni Ronnie maski hindi siya ang bida sa “Fan Girl Fan Boy” ay masaya na siya dahil markado ang papel niya at marami rin ang nagsasabi na kahawig niya ang K-Drama actor na si Park Hae Jin na napanood sa mga series na My Love From The Star, Doctor Stranger, Bad Guys, Cheese In The Trap at Man To Man.
Wala raw problema kay Ronnie kung laging support ang role niya ngayon sa mga pelikula, “Okay lang ‘yun Reggee at least visible. Sabi nga ni Boss Vic (del Rosario) paunti-unti at darating din tayo sa magandang role. Bit role pero may marka,” saad ng aktor.
At nag-aral pala talaga ng Korean language si Ronnie, “Yung linya ko po talaga doon sa movie Korean language talaga siya at inaral namin.”
Bukod sa movie project ay hindi nawawalan ng show si Ronnie, “Isinasama po ako madalas ng Viva sa concert ni Sarah Geronimo at ng JaDine (James Reid at Nadine Lustre).”
Kasama rin siya sa Cignal TV serye sitcom ng Viva sa Sari-Sari Channel at bida raw siya roon. Aniya, “Sobrang pasalamat po ako sa Viva, kina boss Vic, Ma’m Veronique, kay Boss Vincent sa pagtitiwala nila sa aking talento at kakayahan dahil hindi ako nawawalan ng projects simula po nu’ng kinuha nila ako.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.