Promise ni Shaina: Ending ng ‘Better Half’ pasabog
NASA Singapore si Shaina Magdayao ngayon para sa shooting ng pelikula nila ni Charo Santos-Concio mula sa direksyon ni Lav Diaz.
Ngunit kahit busy doon ang aktres ay walang humpay pa rin siyang nagpo-promote sa kanyang social media accounts ng finale episode ng The Better Half.
Pahulaan kung anong mangyayari kina Camille (Shaina), Marco (Carlo Aquino), Rafael (JC de Vera) at Bianca (Denise Laurel) sa ending ng serye.
Pati fans nila ay kanya-kanyang post sa social media ng sari-saring teorya sa posibleng pagtatapos ng serye.
“Si Bianca at Rafael ang mamamatay. Buntis si Camille at papangalanan niya itong Rafael,” komento ng YouTube user na si Gian Perez.
“Si Camille ang matitira diyan. Iaalay ni Marco at Rafael buhay nila. Si Bianca naman mababaril ng pulis,” sabi naman ng netizen na si Newmoon Clear.
“Rafael at Camille pa rin sa huli! Si Marco mababaril sa puso, tapos si Raf sa balikat lang,” sabi ni Tin Amparo sa official Facebook page ng serye.
Abangan ang huling pasabog kung ipagkakait ni Bianca ang masayang buhay kay Camille dahil ilalagay niya sa panganib ang mga mahal sa buhay ng mortal niyang kaaway sa araw ng kasal nito. Ngunit hindi naman titigil sina Rafael at Marco na pigilan ang kasamaan ni Bianca at sisiguraduhing pagbabayaran niya lahat ng kanyang kasalanan.
Matuloy pa kaya ang kasal ni Camille at makuha ang masayang buhay na inaasam niya kasama si Rafael? Abangan ang The Better Half pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).
Samantala, inaanyayahan naman ni Shaina ang lahat ng regular customers nila sa Ystilo Salon sa kanilang 19th Anniversary promo simula Set. 8 hanggang 30 na mag-avail ng kanilang 50% discount sa premium services at hair treatment.
At para sa mga gustong mag-franchise tumawag lang sa (02) 927-7532 at 0917-3124208.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.