JulianElla nag-ala-JaDine, tumodo sa halikan | Bandera

JulianElla nag-ala-JaDine, tumodo sa halikan

Reggee Bonoan |September 06,2017
facebook
share this

JulianElla nag-ala-JaDine, tumodo sa halikan

Reggee Bonoan - September 06, 2017 - 12:01 AM

NAKAKABINGI ngunit naaliw kami sa hiyawan ng supporters ni Julian Trono sa ginanap na advance screening ng “Fan Girl Fan Boy sa SM Megamall Cinema 7 nitong Lunes. Sa tuwing ipakikita kasi sa screen ang idolo nila ay bigla na lang silang magsisigawan sabay wagayway ng kanilang streamers.

Mukhang hindi naman nakarating ang ilang grupo ng supporters ng ka-loveteam ni Julian na si Ella Cruz dahil kapag siya naman ang ipino-focus sa big screen ay konti lang ang humihiyaw kaya nagtatanungan kami ng mga katoto kung nasaan na ang 4.4 million viewers ng mga dance video nila ni Julian sa social media at sa YouTube.

Naisip namin, baka naman inabutan sila ng malakas na ulan nu’ng gabi ng Lunes at nahirapang makasakay dahil bukod sa walang masakyan ay napakatindi pa ng trapik pa. Baka ngayong first day of showing na lang sila manonood sa mga sinehan.

Mabubusog ang supporters nina Julian at Ella sa “Fan Girl Fan Boy” dahil siksik ito sa pagpapakilig at pagpapa-cute bukod pa sa ilang beses silang nag-lips-to-lips, huh!

Yes bossing Ervin, itinodo na nina Julian at Ella ang ikakikilig ng fans kaya tiyak na mag-e-enjoy ang mga ito sa movie at may bonus pa – ipinakita sa bandang huli ng pelikula ang magagandang lugar na pinuntahan nila sa Seoul, Korea.

Malinaw ang cinematography ng “Fan Girl Fan Boy”, pang-bagets ang kuwento na ideya nina Neil Arce at Bela Padilla, co-producer din kasi sa pelikula ang N2 Productions with Viva films under Joyce Bernal Productions.

Habang pauwi naman kami ng mga katoto ay tawa kami nang tawa habang pinag-uusapan ang kuwento ng movie dahil nga para ito sa mga bagets at hindi na bagay sa tulad naming nabibilang sa Generation X. Try mo bossing Ervin, baka maka-relate ka dahil millennial at heart ka naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending