Quantcast

Lalaki kumakapit lang sa bading ‘pag wala nang pera

By

DEAR Ateng Beth,

Magandang araw po sa ‘yo ateng. Hingi lang po ako ng payo ninyo. Bakit ba ang lahat ng mga lalaki ay babae ang gusto, pero pag wala ng pera sa bakla naman sila kumakapit?

Bakla po kasi ako, e. May lalaki na nanliligaw sa akin, guwapo naman po siya pero galit na galit ako sa kanya dahil noong una ayaw niya sa akin. Ano ba ang dapat kong gawin ngayon.
Dinda ng Digos City

Hello Dinda gurl,

Sampalin mo kaya ng pera, yun bang tig-bebeinte pesos na galing sa nagtitinda ng isda. Yung amoy na amoy yung isda, o kaya naman manok o karne. Hahaha…joke lang yung siyem.
Seriously, Dinda, hindi naman lahat ng lalaki ay babae ang gusto. Meron din naman mangilan-ngilang success story na kapwa lalaki ang gusto. Again, mangilan-ngilan lang sila.

Anong gagawin mo sa nanliligaw sa yo? Aba’y ateng, ikaw lang makakapagdesisyon nun. Bakit bigla siyang nagkagusto sa ‘yo kung ayaw pala niya sa ‘yo dati? Nagpasaring ba sya na pera lang gusto niya o napapagtrip-an ka lang? Alamin mo, magtanong sa paligid-ligid, we never know baka naman honest at busilak ang interes niya sa yo. Charrr.

Kaya kumakapit ang lalaki sa bakla kasi may mga bakla naman na pumapayag na kapitan lang sila dahil lang sa kanilang pera. Mga baklang hindi na namimili o nangsisino ng lalaki, basta me bukol, gora na!

Ang iniisip lang mairaos kung anong gusto, pag iniwan drama kung drama na at akala mo inosenteng napagsamantalahan.

Excuse me po, pero hindi ba maliwanag na gamitan lang naman talaga?

May pera si bading, me lawit si kuya, exchange! Pag wala ng pera si bading, tago na rin ni kuya si lawit, fair enough di ba?!

So ang mahalaga, si bading ang magkaroon ng respeto sa sarili. Wag basta lalaki, pakita agad ng motibo, ATM agad ang peg! Syempre sasamantalahin sya ng mga lalaking wala ring dignidad!

Lagi kong sinasabi, pagbutihin ang sarili. Paghusayin ang ginagawa. Kilalanin at linangin ang angking ganda at talino. Pag me respeto ka sa sarili, me lumapit na lalaki, hindi ka agad papatol. Kikilalanin mo muna sya, kasi yung respeto mo sa sarili mo, ung dignidad mo, hindi yun dapat ibinibaba sa halaga lang ng pera. Pag alam ng lalaking matino kang bading, at hindi pera lang tinatapat mo, either mag iisip yan na seryosohin ka talaga o aatras na.

Pero syempre hindi madaling makakita ng ganon. So mag-isip ka, ano ba mahalaga sa yo, panandaliang aliw at magmukhang timang na umasa o ayusin ang sarili, ang irespeto ang sarili kahit pa mag isa ka?

Minsan ang buhay hindi naman lovelife lang, madalas meaning at purpose yun. Oh, pak ganern ang hugot ng ateng mo.

So hopefully makapag isip ka at makapagdesisyon ng tama.
Ateng Beth

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement