TAKOT sa rejection si Joshua Garcia kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya nagtatanong kay Julia Barretto kung kailan siya nito sasagutin.
Sa ginanap na presscon ng “Love You To The Stars And Back” mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone produced ng Star Cinema ay inamin ni Joshua na nanliligaw palang siya kay Julia at nagsimula ito noon pang Enero 2017 at hanggang ngayon ay hindi pa siya nagtatanong.
Aniya, “Kasi parang lahat naman tayo natatakot ma-reject.”
Bakit iniisip ng aktor na mare-reject siya, e, halata namang gusto rin siya ng aktres? “Kasi po talaga, ako po kasi ang taong insecure, mababa ang confidence (level) ko. Pero hindi rin naman ninyo ako masisisi kung ganu’n ang nararamdaman ko, ganu’n po ako lumaki na,” seryosong sabi ng aktor.
Inamin ng binata na noon pa niya gusto ang leading lady niya, “Nu’ng look test palang po dati bago mag-VKJ (Vince & Kath & James), crush palang po dati,” pagtatapat nito.
Inamin ng aktres na naiintindihan niya kung bakit may ganitong pakiramdam si Joshua (mababa ang confidence sa sarili) kaya inaalalayan daw niya talaga. E, kailan naman planong sagutin ni Julia si Joshua?
“Hindi ko naman siya (pinagbawalan), siyempre pinayagan ko siyang manligaw kasi may gusto rin naman ako talaga sa kanya,” kaswal nitong sagot na ikinagulat ng lahat.
Napatingin si Joshua kay Julia at ang ganda ng ngiti nito na tila ibinubulong sa dalaga na, “Talaga ba?’
“At para hindi na po humaba, ‘yun na po talaga ‘yun,” giit ng aktres.
“Salamat talaga, kasi gusto niya ako,” masayang sabi ng aktor.
At dahil nagkaaminan na nga, ay opisyal nang magsyota sina Joshua at Julia at sana lang ay hindi ito pang-promo lang para sa bago nilang pelikula na showing na sa Aug. 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.