JulianElla susundan ang yapak ng JaDine | Bandera

JulianElla susundan ang yapak ng JaDine

Reggee Bonoan - August 20, 2017 - 12:05 AM

MAGANDA ang mood ngayon ni Viva big boss Vic del Rosario dahil sunud-sunod ang tagumpay ng kanilang mga pelikula, ang huli nga ay itong “Kita Kita” na kahit distributor lang ang Viva ay malaki pa rin ang porsiyentong nakuha, at ang “Finally Found Someone” na kumikita pa rin until now sa international screenings.

Maganda rin ang resulta sa takilya ng “100 Tula Para Kay Stella” na kasalukuyang number one ngayon sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Kaya naman agad na nila itong susundan ng bagong romcom movie, ang “Fangirl/Fanboy” nina Julian Trono at Ella Cruz mula sa direksyon ni Barry Gonzalez. Showing na ito sa Set. 6 mula sa Joyce Bernal Production for Viva Films at N2 Productions.

Base sa trailer ay pang-bagets o pang-millennial ang kuwento ng pelikula lalo na sa mahihilig sa K-Drama at Korean stars.

Si Julian ay si Ollie Fernandez na sobra ang bilib sa sarili at medyo may hangin na rin na talagang gustung-gusto ang Korean actress na si Soo Mi Young na gagampanan ni Yam Concepcion sa Koreanovelang Program For Love.

Gaganap namang official dubber ni Soo Mi Young si Ella sa karakter na Aimee.

Si Ronnie Liang bilang si Min Jun Park ang ka-loveteam ni Soo Mi Young (Yam).
Sa presscon ng “Fanboy/Fangirl” ay natanong kung anong bentahe ng loveteam nina Julian at Ella na puwede ring mag-hit tulad ng unang pelikula ng JaDine (James Reid) at (Nadine Lustre) na “Diary Ng Panget.”

Sabi ng direktor na si Barry, “Itong Fanboy/Fangirl ay isang romcom. Nakakapanood na po tayo ng rom-com, parang they’re all the same nagkakaroon lang ng different attack, different twist and ibang treatment.

“This time po kasi, ako po kasi (personally) ikukuwento ko lang po, ako po ay lumaki sa Andrew E, Chiquito at Dolphy comedies, so tinray po namin ipasok dito sa pelikula, meron po kaming konting mga binago, actually we’re trying to make it com-rom (comedy romance) para maiba. Walang slapstick, hindi na umabot sa ganu’n, timplado po, naka-balance siya,” sabi pa ni direk.

Dagdag paliwanag naman ni direk Joyce Bernal na siyang creative director ng pelikula, “Maganda rin, usually kasi di ba, pag romantic comedy, babae ang nagdidirek, pero tulad nina Dan (Villegas), ni Barry, mararamdaman mo rin ‘yung different taste ng romantic comedy at lalaki ‘yung point of view, lalaking malandi, lalaking romantic, tapos si Ella naman ang energy, so siguro ito ‘yung makikitang chemistry nilang dalawa, it’s a relationship, it’s commitment, and it’s a talent. Combination po ng tatlong iyon na mararamdaman sa pelikula.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending