Daniel awang-awa kay Kathryn | Bandera

Daniel awang-awa kay Kathryn

Reggee Bonoan |August 20,2017
facebook
share this

Daniel awang-awa kay Kathryn

Reggee Bonoan - August 20, 2017 - 12:01 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

AKALA namin ay kung sino ang dumating habang kumakain kami sa isang restaurant dahil biglang nagpalakpakan ang mga nanonood ng TV.

Napalingon kami sa mga tao at lahat sila ay nakangiti habang nagpapalakpakan – dahil pala ‘yun kay Kathryn Bernardo bilang si Malia sa La Luna Sangre na muling nagdamit-babae nang dumalo sa pa-party ni Freddie Webb (Sen. Salvador Paglinauan) para kay Richard Gutierrez (Supremo).

“Sa wakas, nakita na ang kagandahan ni Malia, hindi na siya kamukha ni Jake Zyrus,” ang birong sabi ng isang naroon sa resto. Pati tuloy kami ay nakitawa sa narinig naming komento.

Naging trending topic ang nasabing episode ng La Luna Sangre kung saan puro papuri ang natanggap ni Kathryn.

Ang ganda rin ng epekto sa manonood ng love triangle nina Tristan (Daniel Padilla) at Jake (Tony Labrusca) na parehong may gusto kay Malia (Kathryn) dahil pareho silang guwapo at mahusay sa aksyon scenes.

Baguhan palang si Tony pero hindi siya nagpapahuli in terms of acting sa ibang cast.

Going back to Kathryn ay nabanggit ni Daniel na awang-awa siya sa kapartner niya sa sakripisyo nito kapag nakasuot ng wig bilang si Mio dahil maghapon daw may glue ang buhok nito at hindi raw biro ang nararamdaman nitong init lalo na ngayong sobra ang init ng panahon at sa location nila na puro alikabok.
As usual, taob na naman ang katapat na programa ng La Luna Sangre sa ratings game na nakakuha ng 35.1% base sa datos ng Kantar Media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending