Mega binuhay uli ang dating relasyon kay Robin, di na raw nahiya kina Kiko at Mariel | Bandera

Mega binuhay uli ang dating relasyon kay Robin, di na raw nahiya kina Kiko at Mariel

Cristy Fermin |August 17,2017
facebook
share this

Mega binuhay uli ang dating relasyon kay Robin, di na raw nahiya kina Kiko at Mariel

Cristy Fermin - August 17, 2017 - 12:10 AM


NAGTATANONG ang marami kung totoo kaya ang plano ng Viva Films na muling pagtambalin sina Sharon Cuneta at Robin Padilla? ‘Yun ang nakikitang dahilan ng mga netizens dahil sa muling pagbuhay ng Megastar sa kanilang nakaraan ng action star.

Pinanood ni Robin ang pinakahuling pelikula ni Sharon, nagparetrato ito sa tabi ng poster ng pelikula, saka nagbigay ng papuri sa pangganap ni Sharon.

‘Yun lang ang naging ugat ng litanya ng aktres tungkol sa nakaraan nila ni Robin. Maraming nagtaas ng kilay sa pagkatawag niya ng “My Robin” at “Robin ko” sa mister ni Mariel Rodriguez.

Sana raw ay nagdahan-dahan naman si Sharon sa kanyang pagpo-post, sana raw ay binigyan niya naman ng kahihiyan ang kanyang mister na senador, ganu’n din ang misis ni Binoe.

Maraming kumuwestiyon sa mga litanya ni Sharon. Ano na naman daw kaya ang nakain ng singer-actress at kinailangan pa niyang ipaalala ang kanilang nakaraan samantalang matagal na panahon na silang may kani-kanyang buhay at pamilya?

Maraming nag-aalala para kay Senador Kiko Pangilinan, todo-pasa lang daw ba ang mambabatas sa mga ginagawa ng kanyang misis, kahit pa sa pakiramdam ng mas nakararami ay para na itong nababalewala?

Kundi may gagawing pelikula sina Robin at Sharon kaya muling pinaingay ng Megastar ang kanilang nakaraan ay isa lang ang naiisip na dahilan ng publiko sa mga inilabas na litanya ni Sharon.

Totoong may problema sa relasyon nila ni Senador Kiko Pangilinan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending