Alessandra, Empoy ginulat ang mga tao sa loob ng sinehan; 'Kita Kita' pinatumba ang Heneral Luna | Bandera

Alessandra, Empoy ginulat ang mga tao sa loob ng sinehan; ‘Kita Kita’ pinatumba ang Heneral Luna

Reggee Bonoan |August 16,2017
facebook
share this

Alessandra, Empoy ginulat ang mga tao sa loob ng sinehan; ‘Kita Kita’ pinatumba ang Heneral Luna

Reggee Bonoan - August 16, 2017 - 12:01 AM

MARAMING  nagulat sa Gateway Cineplex habang pinapanood nila ang “Kita Kita” dahil biglang bumulaga sa kanila sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Kaya naman kanya-kanyang pa-picture ang lahat sa AlEmpoy loveteam. Nagbiro pa si Empoy na hindi siya ready sa “pictorial” dahil hindi niya masyadong nasuklay ang kanyang buhok.

Sabi ni Empoy, patuloy silang nag-iikot ni Alex sa mga sinehan kung saan palabas ang “Kita Kita”. “Para sa kanilang lahat ito, simpleng pagbabalik ng aming pasasalamat,” aniya.

Sa tanong kung anong masasabi ni Empoy sa laki ng kinita ng kanilang pelikula, “Binasag namin ‘yung formula, tapos ito, kumita.”

Sagot naman ni Alessandra, “‘Yun talaga ‘yung plan, pero para lumaki siya ng ganito, nakaka-shock. Pero very, very grateful ako sa lahat ng naka-appreciate nu’ng change na ito.”

Ang “Kita Kita” na ang highest-grossing local indie movie of all time, tinalo na nito ang “Heneral Luna” na kumita ng P257 million noong 2015.

Ang “Kita Kita” ay idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo mula sa Spring Films na may international screening na rin sa Amerika simula ngayong linggo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending