Kilalang female celebrity maganda nga pero bobita raw | Bandera

Kilalang female celebrity maganda nga pero bobita raw

Cristy Fermin |August 15,2017
facebook
share this

Kilalang female celebrity maganda nga pero bobita raw

Cristy Fermin - August 15, 2017 - 12:15 AM

SA isang umpukan ng mga taga-showbiz ay bumida ang pagiging super-selosa ng isang magandang female personality. Kung paniniwalaan ang kuwento ay sinalo pala ng babaeng ito ang lahat ng isinabog na selos ng kapalaran, nagtanggal siya ng bubong ng kanilang bahay, gising na gising siya.

Maraming kuwento tungkol sa pagiging selosa ng aktres. Matindi kasi ang kanyang insecurity. Alam niyang maganda man siya ay maraming katangian pa rin ang wala sa kanya.

Sabi ng isang miron sa umpukan, “Hindi lang naman kasi ngayon ‘yan, e. Kahit nu’ng medyo bata pa siya, talagang ganyan na rin siya. Remember, may nakarelasyon siyang young actor nu’n, di ba?

“May kalakihan ang age gap nila, kung tawagin siya ng mga fans nu’ng actor, e, halos nanay na lang siya, kaya ganu’n katindi ang insecurity niya. Palagi silang nag-aaway, selos din ang dahilan, kaya siguro hindi rin sila nagtagal.

“Paano naman, may mapalapit lang na girl sa young actor, e, nagwawarla na agad siya. Selos na selos na agad siya. Maiiwasan ba naman ‘yun, e, artista ang boyfriend niya?” napapailing na kuwento ng miron.

Hanggang sa naging karelasyon na nga ng aktres ang isang guwapong hunk actor. Ganu’n pa rin katindi ang libido niya sa pagseselos, may mabalitaan lang siyang ka-close ng boyfriend niya, inaaway na niya ang girl.

“O, ano ba ang ginawa niya sa isang young actress, di ba, sinita niya at dinuru-duro pa nga sa mukha? Galit na galit siya, inaahas daw kasi ang boyfriend niya, kaya maraming kaibigan ng girl ang nagalit sa kanya.

“Ewan naman kung ano pa ang inaalala ng babaeng ‘yun, e, ang ganda-ganda niya naman! May kulang pa ba sa kanya? Kunsabagay, meron nga palang dapat ika-insecure ang girl na itey!

“Kasi nga, maganda man siya, e, kalat na kalat naman ang kuwento tungkol sa pagiging bobita niya. ‘Yun ang source ng insecurity niya, kaya siya nagkakaganyan,” pagtatapos ng aming source.

Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday at Ching Bautista-Silverio, bigay na bigay na kung sino ang bumibida sa ating kuwento. Aaaaawwww!!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending