Quantcast

Bela dedma muna kay Zanjoe: Nakakahiya, baka sabihin ginagamit ko siya sa promo!

By

ZANJOE MARUDO AT BELA PADILLA

SA SOLO presscon ni Bela Padilla para sa pelikulang “100 Tula Para Kay Stella” ay natanong ang dalaga kung sino ang “tinatakam” niya sa pagsusuot ng two-piece bikini sa isang beach resort base na rin sa caption ng mga litrato niya sa Instagram.

“Ay wala po, kung ano lang po ‘yung naisip ko, iyon ang pino-post ko. Saka wala naman akong iniisip na ganu’n (tinatakam), feel ko lang po na mag-two-piece kasi nasa beach naman ako,” anang dalaga.
Kaagad ding sinabi ni Bela na ang kasama niya sa beach at kumuha sa kanya ng larawan ay ang bestfriend niyang si Dani Barretto, anak ni Marjorie.

Dahil ngayon lang naman kasi nagpakuha si Bela nang halos nakahubad na, ay natanong kung magpapalit na siya ng imahe, sabi ng dalaga, dati raw ay hindi niya ma-feel na seksi siya. “Ngayon po medyo tanggap ko na ng konti kaya namimili na ko ng mga swimsuits. At ngayon nag-lipstick ako. Bago ‘to!!” natawang sabi ng dalaga.

Sundot na tanong namin kung ilang buwan na siyang single dahil baka ginagamit niya ang kanyang sexy photos para pangtawag pansin sa mga guys at ano na ang real score sa kanila ni Zanjoe Marudo? “Ano ba, eight months na po akong single, at wala naman po talaga kami ni Zanjoe. Pareho kaming single.”

Nakiusap si Bela na huwag nang pag-usapan si Zanjoe dahil baka isipin pa na ginagamit niya ang aktor para sa promo ng pelikula nila ni JC Santos na “100 Tula Para Kay Stella” na kasali sa 2017 Pista Ng Pelikulang Pilipino.

“Nakakahiya. Ayokong mapanood niya ‘to at baka isipin assuming ako,” saad ng aktres.

Napunta ang usapan sa pambubuko ni Vice Ganda nu’ng mag-guest sila ni JC Santos para sa promo ng pelikula nila na mapapanood na simula sa Agosto 16 sa SM Cinemas nationwide mula sa Viva Films.

Ikinagulat nga raw ito ng dalaga, “‘Yun nga rin pinagtatakhan ko. Hindi ko naman nakakausap si Vice. Eh, biruan lang din naman, hindi naman seryoso.”

Natanong naman si Bela tungkol kay JC na ngayon lang niya nakasama sa pelikula at kung ano ang na-diskubre niya sa aktor. Ani Bela, bilib na bilib siya sa professionalism ng binata at kahit baguhan pa lang sa pelikula ay hindi na matatawaran ang talento nito sa pag-arte, “Napakagaling niyang artista at napaka-prepared,” sambit ng dalaga.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement