Quantcast

Aljur paboritong ulam ngayon ng mga beki sa Ang Probinsyano

By

ALJUR ABRENICA

MARKADO ang magkabilang panga ni Aljur Abrenica sa mga eksena niya sa Ang Probinsyano. Kitang-kita ang pagngangalit ng kanyang mga panga sa mga tagpo kung saan siya nagagalit.

At mukhang binabantayan ng Dreamscape ang kanyang pagganap, napakalaki na ng ipinagbago ng acting ng binatang-amang aktor, parang hindi na siya kasali ngayon sa hanay ng mga tinatawag na hamonadong aktor.

Na dapat lang naman dahil kapag nagkaroon na sila ng engkuwentro ng bumibidang si Coco Martin ay lalamunin siya nang buung-buo ng napakanatural nitong pagganap kapag hindi siya nagpakitang-gilas.

Siyempre’y nakatutok sa serye ang mga kaibigan-anak-anakan naming becki. Sabi nga ni Sonia, ang interior designer naming kaibigan, “Hindi na ako nagpapaluto ng ulam sa dinner. Nagpapasaing na lang ako. Kasarap na ulam ni Aljur!”

Ha! Ha! Ha! Ha! Ang nagagawa nga naman ng katawang panlaban, ang nagagawa nga naman ng mga pandesal sa abs at braso na nagmumura sa laki, ‘yun ang inaabangan nila kay Aljur.

Mabilis ang takbo ng kuwento ng Ang Probinsyano. Malaktawan mo lang ang isang episode ay medyo maliligaw ka na, marami ka nang mapapalampas, kaya kailangan talagang tutukan ang istorya nito gabi-gabi.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement