Horoscope, August 11, 2017

By Madam Sophia August 11,2017
share this

Horoscope, August 11, 2017

By Madam Sophia August 11,2017
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Huwag maniwala sa mga scam na madodoble ang iyong puhunan, puro panloloko lamang ito. Kung madali kang nagpapauto biglang mauubos ang iyong salapi. Sa pag-ibig, iwas muna sa lipunan, i-celebrate ang iyong kaarawan na kasama ang minamahal. Mapalad ang 7, 16, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Wag mainggit sa iba na umuunlad, hindi mo ba alam na kaya mo silang daigin. Kumilos at magsimula ka na ngayon. Sa pag-ibig, ang pagseselos ang magtutulak upang lalong lumayo ang minamahal. Mapalad ang 8, 12, 25, 36, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Mohan-Karan-Om.” Pink at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Simulan ang araw sa panalangin at pagsusuot ng kulay red. Sa pinansiyal, gamitin ang iyong kagandahan upang makaakit ng pera. Sa pag-ibig, ang kulay na red ang magpapainit pang lalo ng relasyon. Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 31 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Krisna!” Bukod sa red ang pink ay buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa anumang gawaing may kaugnayan sa pagkakaperahan ang mahalaga wag kang susuko dahil darating ang araw yayaman ka rin. Sa pag-ibig, matapos mong sabihin sa kanya ang iyong nasa loob, positibong reaksyon ng kasuyo ang kasunod. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Silver at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Ganyan talaga ang negosyo, taya lang nang taya ng puhunan hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, wag mo nang tuklasin ang mga lihim ng kasuyo, kapag nalaman mo ito ay tiyak na ikaw ang unang malulungkot at masasaktan. Mapalad ang 7, 16, 23, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Regama-Mayabeeja.” Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag masyadong abusuhin ang sarili baka magkasakit ka, mas malaking gastos ang kakaharapin. Sa pag-ibig, dahil ang lahat ay lilipas din, mamayang gabi, ipalasap sa minamahal ang pinakamasarap na romansa bago lumipas ang magdamag. Mapalad ang 1, 8, 24, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa pakikiumpok sa mga tao, panibagong pagkakaperahan ang matutuklasan. Sa pag-ibig, sa isang social gathering matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 14, 23, 35, 40, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Lilac at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Tama ang iniisip mong lumayo sa lipunan. Gastos lang ang laging mapapala sa pagsalisali sa kung ano-anong gimmikan. Sa pag-ibig, imbes na makipagsosyalan, mag-concentrate na lang sa minamahal. Mapalad ang 8, 12, 16, 24, 30 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Cumuntantis-Soliferum-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Kung lalakasan mo lang ang iyong loob, noon ka pa sana mayaman. Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang susi upang ikaw ay lumigaya at magtagumpay. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ang negatibong damdamin ay magdudulot ng pagkalugi at pagkakasakit. Sa pag-ibig, puntahan ang kasuyo at sa kanya ka makipagdaldalan upang malibang. Mapapalakas mo rin ang iyong immune system sa pamamagitan ng halikan. Mapalad ang 3, 9, 21, 27, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Purple at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Kahit kumita nang kumita ng malaking halaga kung hindi ka magtitipid ay wala rin. Unahing mag-savings bago gumastos. Sa pag-ibig, tuloy ang pakikipagrelasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Green at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Matatapos na ang problema kung hindi na uulitin ang dating pagkakamali. Maging maingat sa pagpili ng kososyo upang hindi na uli malugi. Sa pag-ibig, ituon na lamang ang pansin sa kasuyong Gemini. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Purana-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kung magtutulungan kayo ng kasuyo ay mas mabilis kayong yayaman. Sa pag-iibig, kumbinsehin ang kasuyo na sumang-ayon sa iyong mga kagustuhan. Sabihin mo sa kanya, “Wag ka lang kokontra, mahal, yayaman din tayo!” Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Gorocha-Sandapha-Om.” Green at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending