Louise starstruck kay Coco: Di ko alam kung bebeso ba ako o hindi! | Bandera

Louise starstruck kay Coco: Di ko alam kung bebeso ba ako o hindi!

Alex Brosas |August 06,2017
facebook
share this

Louise starstruck kay Coco: Di ko alam kung bebeso ba ako o hindi!

Alex Brosas - August 06, 2017 - 12:10 AM

COCO MARTIN AT LOUISE DELOS REYES

Parang answered prayer ang pagkakapasok ni Louise delos Reyes sa Ang Probinsiyano.

“I want something new. Nu’ng nabigay po sa akin ito ay sobrang saya. Hindi ko ma-explain until now kung gaano ako ka-overwhelmed,” say ni Louise.

She recalled kung paano siya sobrang na-excite nang makita niya sa set si Coco Martin.

“Nu’ng first time na nakita ko si kuya (Coco), hindi ko alam kung bebeso ba ako, magha-Hi ba ako.

Sobrang warm niya. Warm ang lahat ng tao sa Ang Probinsyano. Kung gaano kabigat ang napapanood ninyo sa TV, ganoon kami kagaan sa set.

“Sobrang ang gagagaan nila katrabaho dahil nga po sobrang batikan na ang mga artistang kasama ko. Parang ang hirap po magkamali. First day pa lang, sabi ni kuya (Coco) kapag may na-late, ‘O, kapag late ma pa-pizza.’ Ayokong ma-late talaga. Sobrang ang gandang training,” chika pa niya.

Napatunayan niya kung gaano kametikuloso si Coco sa mga eksena.

“On the spot, talagang si kuya ay nag-iisip ng tamang linya para sa iyo. Bukod sa iniisip niya ang linya niya ay iniisip rin niya ang linya namin, kung sasabihin ba ito ng character mo. Tama ba ito na ito ang sinabi mo at ito ‘yung patutunguhan. Kahit ikaw mae-excite ka every taping day,” she shared.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending