Myrtle dumaan sa matitinding pagsubok bago naka-graduate | Bandera

Myrtle dumaan sa matitinding pagsubok bago naka-graduate

Reggee Bonoan - August 04, 2017 - 12:10 AM

MYRTLE SARROSA

MALAKING tulong talaga para sa produktong ineendorso ng isang artista kapag mayroon siyang regular show dahil sa exposure. Madali siyang maalala ng tao lalo na kung isa ang produkto sa sponsor ng programa.

Sa tingin namin ay ito ang malaking dahilan kaya ni-renew ng Megasoft Hygienic Product ang celebrity endorser nilang si Myrtle Sarrosa para Sisters Sanitary Napkin. Regular kasing napapanood ang dalaga sa seryeng La Luna Sangre bilang si Therine isa sa mga kakampi ni Supremo (Richard Gutierrez) at namamahala sa itinayong bar nito.

Kilala at nakakausap namin nang personal ang isa sa may-ari at Marketing Manager ng Megasoft Hygienic na si Aileen Choi Go, kapag effective raw ang endorser at marunong makisama ay talagang hindi nila ito binibitawan at higit sa lahat, itinuturing nila itong kapamilya.

Curious kaming malaman kay Ms. Aileen kung ilang percent ang itinaas ng sales nila mula nu’ng kunin nilang endorser si Myrtle.

Kaya namin gustong malaman ay dahil linggu-linggo ay naggo-grocery kami at nadadaanan namin ang shelves ng mga sanitary napkin at pansin naming maraming nababawas sa display ng Sisters.

Mga nag-oopisina, kabataan, estudyante at out of school youth ang target market ng Sisters at magandang ehemplo si Myrtle sa mga ito dahil maski na nag-aartista siya ay sinikap niyang tapusin ang kursong BA Broadcast Communication sa University of the Philippines (Diliman), at isa siya sa mga gumradweyt na cum laude.

Post nga ni Myrtle sa kanyang Instagram account, “After 6 years, 3 courses, 9 semesters, one reality TV show, 12 teleseryes and over 50 television shows – I’m finally here today. To be honest, I never thought I’d see this day coming.

“After numerous struggles that came my way, there were several times where I doubted myself, cried and just wanted to give up. But despite the overwhelming odds against me, someway and somehow I made it with the help of God, my family, friends, professors, classmates and workmates. Like they say… the struggle is real but it’s all worth it.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending