Horoscope, July 26, 2017 | Bandera

Horoscope, July 26, 2017

Madam Sophia |July 26,2017
facebook
share this

Horoscope, July 26, 2017

Madam Sophia - July 26, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag iasa sa iba ang tagumpay. Nasa mga pagsisikap mo ang paraan upang yumaman. Sa pag-ibig, kahit na may kasalanan ang kasuyo ay hindi siya dapat pagsabihan ng masasakit na salita. Mapalad ang 2, 7, 14, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Green at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Ang maliit na kinikita sa kasalukuyan ay madodoble sa kinabukasan, ang mahalaga, manatili kang naka-smile. Sa pag-ibig, mamayang gabi ay paligayahin ang minamahal sa pamamagitan ng masarap na romansa. Mapalad ang 3, 6, 12, 18, 27, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Elohim-El-Shaddai.” Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Habang nagpapakasipag, tuloy ang pag-angat ng kabuhayan. Sa pag-ibig, isang nakakikilig na romansa ang magseselyo ng magdamag habang bumubuhos ang malakas na ulan. Mapalad ang 6, 14, 23, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Blue at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — May message sa cell phone, may hatid na mabuting balita. Pinapakuha na sa iyo ang perang matagal mo nang hinihintay! Sa pag-ibig, kunwari lang na nagseselos ang kasuyo pero ang totoo mahal na mahal ka niya. Mapalad ang 1, 5, 14, 23, 28 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Aspera-Om.” Silver at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa pag-ibig, ibulalas ang lihim na pagtingin sa isang Scorpio. Sa pinansiyal, singilin ang mga kaibigang may mga pagkakautang dahil kung hindi mo sila sisingilin, wala talaga silang balak na magsipagbayad. Mapalad ang 2, 7, 13, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Una-Om.” Violet at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Alalahaning ang mga matatapang lang ang yumayaman nang husto. “Think big!” at umpisahan mo na ngayon. Sa pag-ibig, kapag nanatili kang duwag, hindi ka magiging maligaya. Mapalad ang 6, 19, 27, 36, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Audaces-Fortuna-Om.” White at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kung lagi kang nakikipagdebate, paano papasok ang maraming pera? Umoo ka lang nang umoo sa mga kausap. Sa pag-ibig, hayaang ang ideya naman ng kasuyo ang masunod. Mapalad ang 3, 18, 27, 35, 45, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yantra-Migeta-Om.” Violet at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Yayain ang kasuyo sa isang medyo class na restaurant. Sa pinansiyal, tulad ng pagkasabik sa mga pagkaing masasarap, ganoon din ang dapat na paghahangad upang yumaman. Mapalad ang 3, 9, 18, 33, 39, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Krishnaya-Namahaya-Om.” Red at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Isang malapit na kaibigan ang makakatulong upang masolusyunan ang mga problemang may kaugnayan sa pinansyal. Mapalad ang 2, 18, 23, 38, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Om.” Green at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pinansyal at pag-ibig, pagsapit na pagsapit ng buwan ng Agosto, papabor na sa iyo ang mga pangyayari at mabuting kapalaran. Basta’t lagi mo lang bigkasin ang mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Pink at blue ang buenas. Mapalad ang 9, 15, 24, 33, 42 at 47
Capricorn – (December 22 – January 19) — Panatiliin ang pagiging optimista. Ibigay ang pagtitiwala sa iyong kliyente upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, tiwala ang sangkap upang magtagal ang gumegewang na relasyon. Mapalad ang 8, 17, 26, 38, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om” Yellow at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Isang malapit na kaibigan ang makakasamaan ng loob dahil sa pera. Sa pag-ibig, upang wag mapahamak walang dapat pagkatiwalaan, kundi ang minamahal. Mapalad ang 8, 13, 24, 34, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Om.” Black at violet ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sariling puhunan ang dapat, at sa pagsisimula ng negosyo, wag na wag mangungutang dahil mababaon ka lang. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano na ang future ng iyong pamilya at kung saan mamamasyal sa summer 2018. Mapalad ang 2, 16, 31, 34, 37 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Mohan-Karan-Om.” White at maroon ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending