MMK, Ipaglaban Mo tinuhog ni Ria Atayde | Bandera

MMK, Ipaglaban Mo tinuhog ni Ria Atayde

Reggee Bonoan |July 22,2017
facebook
share this

MMK, Ipaglaban Mo tinuhog ni Ria Atayde

Reggee Bonoan - July 22, 2017 - 12:05 AM

HINDI nakadalo si Ria Atayde sa press launch ng Wansapanataym Presents: Amazing Ving na pagbibidahan ni Awra Briguela na mapapanood na bukas ng gabi, Linggo dahil nag-taping pala siya para sa Maalaala Mo Kaya na ipalalabas na ngayong gabi.

Ayon kay Ria, gagampanan niya ang karakter na Reyna Maxima (alien queen) sa Amazing Ving na makakasama ni Awra para iligtas ang mundo.

Ikalawang Wansapanataym na ito ni Ria, nu’ng una ay nakasama niya sina Janella Salvador at Elmo Magalona na ipinalabas noong Disyembre na may titulong “Holly At Mau” kaya masaya si Ria dahil hindi siya nawawalan ng TV show bukod pa sa nahahasa raw ang acting niya sa iba’t ibang genre.

Samantala, bago ang Wansapanataym ay mapapanood muna siya tonight sa MMK kung saan gagampanan niya ang karakter ni Hershey Hilado, kilalang Pinay na nakatira ngayon sa Australia at isa nang successful businesswoman.

Ayon kay Ria ay bagong challenge na naman itong gagampanan niya sa MMK, “Tough character si Hershey at may Fil-Aus accent! And she’s more morena and marami po siyang pinagdaanan na traumatizing experience, so maraming layers sa characterization,” sabi ni Ria.

At para makilala ng husto ang taong gagampanan niya ay nanood daw siya ng videos ni Hershey sa YouTube, “I also follower her sa IG. Inobserbahan ko yung nuances and mannerisms niya.”

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay lumipad patungong Singapore si Ria kasama si Marvin Agustin para sa taping ng Ipaglaban Mo anniversary special.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending