Nangangarap magkabahay at lupa | Bandera

Nangangarap magkabahay at lupa

Joseph Greenfield |July 21,2017
facebook
share this

Nangangarap magkabahay at lupa

Joseph Greenfield - July 21, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Camile ng Caballero, Guimba, Nueva Ecija
Dear Sir Greenfield,
Seaman po ang mister ko at four years na siyang nagpapabalik-balik sa barko, pero hanggang ngayon ay nangungupahan pa rin kami at walang sariling lupa at bahay. Hindi po kasi kami makaipon dahil anim po ang anak namin na lahat nag aaral. Gusto kong makahingi ng tips sa inyo, suwerteng numero at kung paano namin mapapaunlad ang buhay namin at kung kailan kami magkakaroon ng sariling lupa at bahay na matagal na po naming pangarap? June 25, 1979 ang birthday ko at January 17, 1977 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Camile ng Nueva Ecija
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kitang-kita ng Guhit ng Biglang Suwerte (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, basta’t mangarap lang kayo nang mangarap at umasa na matutupad ang inyong pangarap, sa bandang huli, mangyayari at mangyayari ang nasabing pangarap na magkaroon ng sariling lupa at bahay ang inyong pamilya.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Four of Diamonds at Four of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa biglang suwerte at tuloy-tuloy na pagsisinop ng kabuhayan, magugulat ka pa may malaking halaga ka na pala ng salapi na pambili ng lupa at pampapagawa ng inyong dream house.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending