Kris: Like ko talaga ang La Luna Sangre at I Heart Davao | Bandera

Kris: Like ko talaga ang La Luna Sangre at I Heart Davao

Reggee Bonoan |July 19,2017
facebook
share this

Kris: Like ko talaga ang La Luna Sangre at I Heart Davao

Reggee Bonoan - July 19, 2017 - 12:25 AM

KRIS AQUINO

INAMIN ni Kris Aquino na sa loob ng 20 years niyang exclusive contract star ng ABS-CBN ay wala siyang ibang TV network na pinapanood kaya ngayong wala na siyang kontrata napapanood na rin niya ang ilang shows sa GMA 7 at TV5.

Sa panayam ng Pep.ph kay Kris ay inamin nitong na-hook siya sa La Luna Sangre ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Aniya, “Now we watch three networks but I have to admit na I’m so hooked on La Luna Sangre. Talagang sabi ko, ang galing ni Kath. Galing na galing ako sa kanila (ni Daniel) Gandang-ganda ako du’n sa show. It’s been two weeks, siguro I just missed three. Nagandahan talaga ako.”

Sa GMA naman, “’Yung I Heart Davao, gandang-ganda rin ako.” Ang nasabing programa ay pinagbibidahan naman nina Carla Abellana, Tom Rodriguez at Benjamin Alves.

Speaking of La Luna Sangre, impressed ang lahat sa fight scenes nina Daniel at Kathryn. Malaking tulong daw talaga ang pag-aaral nila ng martial arts. Plano rin ni Kath na mag-aral bumaril dahil kailangan sa istorya. Sabi ng dalaga, “Ako nga po ‘yung nagre-request more trainings sana and baka soon mag-firing lessons din ako.”

Ang isa pang hinahangaan ng viewers sa LLS ay si Tony Labrusca na magaling din sa stunts at wala siyang kadobol sa mga maaaksyong eksena niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending