Quantcast

Pacman bibida sa bagong inspirational program ng GMA 7

By

BINAGO na ang title ng bagong series ni Marian Rivera. From The Good Teacher, ginawa na itong Super Ma’am dahil kuwento ito ng isang teacher na may kakaibang super powers at kung paano niya mapapatino at mababago ang pasaway niyang mga estudyante.

Ang Super Ma’am ang isa sa mga bagong pasabog na programa ng Kapuso Network ngayong third quarter. Kasama rin sa bagong shows ng network ang My Korean Jagiya ni Heart Evangelista na na-in love na sa South Korea sa ilang araw na pananatili roon para sa kanilang taping.

Ang kaabang-abang ay ang Korean actor na makakapareha ng Kapuso Sweetheart. Sa isa niyang post sa IG, tanging likod lang ng isang lalaki ang nasa picture na kasama niyang nagba-bike.

Ang mapapanood pang parating na shows ng GMA ay ang pagbabalik ng Lip Sync Battle Phiilippines; ang pagbabalik-TV ni Sen. Manny Pacquiao kung saan siya naman ang bibida sa inspirational program na Stories for the Souls at ang Alyas Robin Hood Book 2 ni Dingdong Dantes.

Samantala, ang bagong afternoon prime shows na Impostora at Haplos na nagsimula ngayong July ay pumapalo na rin sa ratings game.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement