‘La Luna Sangre’ ng KathNiel waging-wagi sa special effects | Bandera

‘La Luna Sangre’ ng KathNiel waging-wagi sa special effects

Reggee Bonoan - July 14, 2017 - 12:20 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

MULI na namang gumawa ng record ang La Luna Sangre nitong nakaraang Lunes ng gabi dahil trending na naman ang episode nitong may hashtag na #LaLunaSangreBagsik na punumpuno pa rin ng aksyon.

Hindi mo aakalaing namaalam na agad si Frederick (Victor Neri) na siyang namumuno sa grupo para bantayan at alagaan si Malia (Kathryn Bernardo) kaya naman nagwawala ang asawa nitong si Veruska (Ina Raymundo).

Nalungkot din ang sumusubaybay sa LLS dahil kasama ring napatay sina Nikki Valdez (Lydia), Michael Agassi (Miguel), Maika Rivera (Malina), William Lorenzo (Yago) at maraming iba pa sa panig nina Malia.

Marami ring nagapi sa tauhan ni Supremo (Richard Gutierrez) kabilang na si Wilma Doesn’t (Elisse).

Ang gaganda ng top shots sa La Luna Sangre habang naglalaban ang mga lobo at bampira, pati mga effects na lumilipad ang mga lobo at kung paano sila ihagis sila ni Supremo na talagang kinatatakutan ngayon ng mga bagets. Effective kasi ang acting ni Richard bilang pinuno ng bampira. Mata pa lang niya ay talagang matatakot ka na.

Ang tanging hiling lang ay ibigay si Malia sa Supremo at hindi na sila gagalawin at dahil marami nang napatay ay nagpanggap si Sue Ramirez (Catleya) bilang si Malia pero nu’ng sakalin na siya ay walang naramdamang power ang pinuno ng Bampira kaya binitiwan siya.

Ang kaabang-abang ay unti-unti nang nagkakaroon ng power si Malia dahil base sa napanood namin ay kinausap niya muli ang bilog na buwan at nasinagan siya ng liwanag nito hanggang sa nabingi siya at parang nakikita niyang may mga bampirang parating.

Dalawa na lang ang nakikita naming labis na nagtatanggol kay Malia, sina Baristo (Joross Gamboa) na tatay-tatayan ng dalaga at si Gael (Bryan Santos).

Ang taas ng rating ng LLS nitong Lunes, nagtala ito ng 33.9% nationwide; 35.7% Metro Manila; 33.1% Urban; 34.7% Rural at 31.1% sa Mega Manila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending