Pia, Marlon hiwalay na...final answer na kaya? | Bandera

Pia, Marlon hiwalay na…final answer na kaya?

Ervin Santiago |July 12,2017
facebook
share this

Pia, Marlon hiwalay na…final answer na kaya?

Ervin Santiago - July 12, 2017 - 12:01 AM

HIWALAY na nga ba talaga si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang car racer na si Marlon Stockinger?

‘Yan ang tanong ng mga social media followers ng magdyowa matapos nilang mapansin na hindi na pina-follow ni Marlon sa Instagram ang Pinay beauty queen. Hindi na rin daw kasi nagpo-post ng mga picture nila ni Marlon si Pia kaya baka raw nag-break na ang dalawa.

Nang binisita namin ang IG account ni Pia, pina-follow pa naman niya si Marlon pero kapansin-pansin nga na wala na silang masyadong picture ng binata sa nasabing photo sharing site.

May mga diretsong nagtanong kay Pia kung wala na ba sila ni Marlon at kung totoong nagkaroon uli sila ng matinding away.

Kung matatandaan, napabalita na rin noon na nagkaroon ng matinding away ang dalawa nang sumabog ang balita na may kambal ng anak si Marlon sa dati nitong girlfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending