Balo ready na ba sa bagong relasyon? | Bandera

Balo ready na ba sa bagong relasyon?

Beth Viaje |June 30,2017
facebook
share this

Balo ready na ba sa bagong relasyon?

Beth Viaje - June 30, 2017 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,
Ako po si Rhea, 30 years old, mula po ako sa La Trinidad, Benguet,
May problema po ako ngayon.
Isa po akong balo.  Meron pong mga nanliligaw sa akin.  Bale, limang taon na pong patay ang aking asawa, ang kaso po ay parang hindi ko siya makalimutan.
Ano po ba ang dapat kong gawin para makalimot ako.  Salamat po.

Rhea

Dear Rhea,
Sa totoo lang, teh, hindi ka makakalimot.
Asawa yan, eh.  Walang haba ng panahon para masabi natin na nalimutan na ang isang asawang namayapa.
Huwag mong madaliin ang sarili mo.  Thirty years old ka pa lang.  Ayusin mo muna sarili mo, gawin ang mga kailangang gawin. Tuparin ang mga pangarap at naisin.
Hindi porke’t may nanliligaw, sasagot naman at makikipag-nobyo na agad.
Kung gusto nilang maghintay, magtiyaga sila hanggang sa ready ka na. Huwag kang pa pressure na magkarelasyon agad.
Pagalingin mo muna ang puso mo. Pagalingin mo muna buhay mo.  Bata ka pa naman. Wag magmadali.
Ateng Beth

May problema ka ba sa puso, relasyon, pamilya? I-text na yan kay Ateng Beth sa 09989558253 at tiyak na may sey si Ateng diyan.  Maari ring mag-email sa [email protected]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending