Julia sinorpresa ng dinner date ni Joshua pagkalabas ng ospital | Bandera

Julia sinorpresa ng dinner date ni Joshua pagkalabas ng ospital

Reggee Bonoan |June 27,2017
facebook
share this

Julia sinorpresa ng dinner date ni Joshua pagkalabas ng ospital

Reggee Bonoan - June 27, 2017 - 12:10 AM

KILIG na kilig ang mga tagasuporta nina Joshua Garcia at Julia Barretto nang kumalat sa social media ang mga litrato nila na kuha sa kanilang intimate dinner date.

Nitong nakaraang Linggo kasi ay sinorpresa kasi ng anak-anakan ni Sylvia Sanchez na si Joshua (gumanap na apo niya sa seryeng The Greatest Love) si Julia sa isang candle-lit dinner.

Isang video rin ang ipinost sa Instagram kung saan mapapanood si Joshua na inaalalayan si Julia papunta sa kanilang table. May mga rose petals at kandila pa sa sahig na nilakaran nila. Binigyan din ng binata si Julia ng bouquet of flowers.

Ang surprise dinner na ibinigay ni Joshua kay Julia ay para raw talaga sa dalaga bilang pasasalamat sa maaga nitong paggaling. Last week ay naospital kasi si Julia.

Nagsimulang maging close ang dalawa nang gawin nila ang pelikulang “Vince And Kath And James.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending