Malditang aktres feeling superstar, sukdulan ang pagiging ilusyunada | Bandera

Malditang aktres feeling superstar, sukdulan ang pagiging ilusyunada

Cristy Fermin |June 23,2017
facebook
share this

Malditang aktres feeling superstar, sukdulan ang pagiging ilusyunada

Cristy Fermin - June 23, 2017 - 12:25 AM

HANGGANG ngayon ay negang-nega pa rin ang dating ng isang female personality na minsan nang nakatikim nang todo-todong bashing dahil sa kanyang kamalditahan.

Akala ng mga nakakatrabaho ng babae ay nagbago na siya, na marunong na siyang magpakumbaba, pero hanggang ngayon pala ay super-feelinggera pa rin ang female personality.

Kuwento ng isang kasamahan sa panulat, “Alam mo, nakapagtataka lang kung saan humuhugot ng kaangasan ang babaeng ‘yun. Nakakaloka siya, minsan na siyang ipinako sa krus dahil sa ginawa niyang pambabastos sa isang iginagalang na personalidad sa showbiz, pero hanggang ngayon, maldita pa rin siya!

“Kung makaasta siya, e, akala mo naman super-boxoffice hit ang mga pelikulang ginawa niya, e, ang totoo, kahit patayuin natin siya ngayon sa EDSA, e, wala namang nakakatanda sa itsura niya?

“Napaka-feeling ng babaeng ‘yun. Tinanong lang siya kung nagkaroon ba sila ng relasyon nu’n ng isang sikat na male personality, e, kung anu-ano na ang litanya niya!

“Tinanong lang, kung anu-ano na ang ikinuda? Wala namang nagsasabing naging sila, pero ang hitad, may kaartehan pang kunwari, e, ang press pa ang sinisisi niya?

“Napakailusyunada talaga ng babaeng ‘yun! Nakakaloka siya, super-feelinggera!” inis na kuwento ng aming source.

Sa inis ng mga nagtatanong ay umalis na lang sila. Habang papalayo ang tropa ay nakataas ang kanilang mga kilay sa tenth floor dahil super ang pagiging feelinggera ng girl.

“Naku, tantanan na niya ang pagiging feeling dahil wala namang maniniwalang naging sila nu’n ng sikat na actor, kung meron man! Siya ang nagbibigay ng malisya ‘no, hindi ang ibang tao!” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong mula nu’ng maging nega ang babaeng ‘yun, e, mapili na kayo sa cake! Ayaw n’yo na siguro sa brazo de Mercedes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending