Quantcast

Boyfriend na lang ang kulang

By

Sulat mula kay Angie ng San Agustin St., La Carlota City, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,
Ako po ay isang public shool teacher at matagal na akong nagtuturo. Ako ang bunso sa aming magkakapatid at masasabi kong okey naman ang career ko at may pundar na akong bahay at lupa na naipon ko sa pagtuturo. Ang problema ko na lang sa ngayon ay wala pa akong boyfriend gayong 32 na ang edad ko sa darating na July 7. Gusto ko na sanang magka-boyfriend at makapag-asawa para magkaroon na ng sariling pamilya. Kailan kaya matutupad ang wish at dasal kong ito? Saan ko maki-kilala si Mr. Right at kailan kaya siya dara-ting?
Umaasa,
Angie ng Negros
Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wala namang problema kahit na 32 na ang edad mo sa darating na July 7, sapagkat kitang-kita ang isang malinaw at makapal na na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin wag ka lang mainip, tuloy mo lang ang iyong samo’t dalangin, sapagkat sa takdang panahon inilaan, darating at darating ang isang lalaking ibibigay sa iyo ng kapalaran upang makasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
Nine of Hearts, Seven of Hearts at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa buwan ng Hulyo o kaya’y Setyembre, isang lalaking mas bata sa iyo ang edad ang manliligaw sa iyo, kung saan, maaaring siya rin ay isang guro na katulad mo.
Itutuloy…

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement