Quantcast

Horoscope, June 16, 2017

By

Para sa may kaarawan ngayon: Wag tatamad-tamad. Doblehin pang lalo ang mga pagsisikap. Kumilos nang kumilos upang umunlad. Sa pag-ibig, lalo mo pang pag-igihan at pag-initin ang pakikipagniig sa isang Libra. Mapalad ang 7, 16, 27, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “I will persist until I succeed!” Purple at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pag-ibig at pinansyal, tama ang suhestyon ng kasuyo, kailangang magkaroon kayo ng negosyo na may kaugnayan sa butil at pagkain upang magkaroon kayo ng extra income at nang umunlad na rin at tuloy-tuloy na yumaman. Mapalad ang 5, 15, 24, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Silver at magenta ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Hindi masama kung lagi kang hihingi ng awa kay Lord. Alalahaning ang pagyaman ay nakukuha rin sa paulit-ulit na dasal. Sa pag-ibig, wag pag alinlanganan ang pagmamahal ng isang Virgo. Mapalad ang 8, 15, 26, 29, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Me-Om.” Mint green at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Ang pag-aalinlangan ay magdudulot ng kabiguan. Buuin ang loob at sumugod nang sumugod. Sa pag-ibig, pag-ukulan ng dagdag na panahon ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 7, 14, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Govardana-Om.” Blue at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa sandaling nagtuloy-tuloy ang pasok ng tag-ulan, lambingin ang minamahal upang wag na siyang maghanap ng iba, sabay kayong maligo sa ulan. Sa pinansyal, habang umuulan ay mas maraming materyal na bagay ang darating. Mapalad ang 7, 11, 25, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om.” Orange at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Subuking maging matulungin. Habang tumutulong sa kapwa, ang kabuhayan ay lalo namang sasagana. Sa pag-ibig, ang katapatan sa kasuyo ang magdudulot ng panghabangbuhay na ligaya. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Green at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Disiplina sa lahat ng bagay ang dapat. Dahan- dahan lang sa paggastos. Sa kalusugan, iwasan ang mga pagkaing makakasama sa iyong katawan. Sa pag-ibig, hinay-hinay lang sa romansa baka magkasakit ka na naman. Mapalad ang 5, 15, 24, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Purple at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa pinansyal, upang wag masira ang diskarte ay iwasan ang mga taong may negatibong pag-iisip. Sa pag-ibig, piliin ang kasuyong may positibong pananaw sa buhay tulad ng isang Virgo. Mapalad ang 1, 10, 22, 29, 31 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Red at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ang elementong tubig ang magbibigay ng suwerte. Upang magkaroon ng magandang kapalaran sa salapi at pag-ibig, maglagay ng aquarium sa entrada ng inyong bahay. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Green at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Magiging makulay ang pag-ibig, ngunit dapat pa ring iwasan ang imoral na relasyon. Sa pananalapi, kasabay ng pagtaas at paglago ng kita maraming mga tukso ang darating. Manatiling tapat sa kasuyong Aries. Mapalad ang 7, 16, 23, 34, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Violet at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pinansyal, wag masyadong abusuhin ang katawan sa pagtatrabaho. Aanhin mo ang limpak-limpak na salapi kung magkakasakit ka naman? Mamayang gabi, mag-relax at magpamasahe sa minamahal. Mapalad ang 9, 12, 21, 34, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om.” White at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag masyadong maging gahaman. Tandaang higit na masaya ang buhay ng simpleng pamilya, kaysa sa ubod ng yaman. Sa pag-ibig, ang hindi kumplikadong pag-ibig ay magdudulot ng isang mas maligayang relasyon. Mapalad ang 4, 8, 17, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Green at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pag-ibig, mas magiging exciting ang relasyon sa hindi pinaghandaang romansa. Sa pinansyal, isang kakilala ang darating bigla ka na lang aabutan ng malaking halaga. Magpasalamat lagi sa mga natatanggap na biyaya upang lalo pang pagpapalain ni Lord. Mapalad ang 5, 18, 21, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Magenta at blue ang buenas.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement