Kathryn malaking tulong sa pagbibigay ng trabaho sa mga Pinoy | Bandera

Kathryn malaking tulong sa pagbibigay ng trabaho sa mga Pinoy

Ronnie Carrasco III |June 13,2017
facebook
share this

Kathryn malaking tulong sa pagbibigay ng trabaho sa mga Pinoy

Ronnie Carrasco III - June 13, 2017 - 12:05 AM

Kathryn Bernardo

IF ONLY for its mission to provide jobs ay inani ni Kathryn Bernardo ang aming paghanga.

Kabubukas pa lang ng kanyang KathNails (katunog ng loveteam nila ni Daniel Padilla na KathNiel) sa The Block at SM North Edsa pero open na ito agad sa mga gustong magkaroon ng franchise.

But this is not the admirable part. Kasalukuyan na rin kasing naghahananap ang naturang nail salon ng mga tauhan tulad ng nail technicians at iba pang staff na isasailalim nila sa masusing training.

A glam biz tulad ng KathNails ay mabenta sa mga taong maalaga sa kanilang katawan. Vain na kung vain pero bahagi lang ito ng good grooming na hindi lang para sa mga kababayan nating mas nakakaginhawa sa buhay.

Sabi nga natin, importanteng malinis ang ating mga kuko, mapa-kamay o paa. Sa mga kuko kasi natin nasasalamin kung maging sa mga tagong bahagi ng ating katawan ay bitbit natin ang kalinisan.

Aanhin mo ang pagkaganda-gandang mukha kung puwede nang pagtamnan ng kamote ang mga kuko mo?

Ayaw ng isang dating sikat na PBA player ng ganyan, na nang magbisyo’t napabayaan ang itsura’y puwede nang magkaroon ng sariling titulo ng lupa ang kanyang mga nanggigitatang kuko!

To Kathryn, you literally nailed it!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending