P80 milyong carwash ng MRT | Bandera

P80 milyong carwash ng MRT

Ira Panganiban |June 09,2017
facebook
share this

P80 milyong carwash ng MRT

Ira Panganiban - June 09, 2017 - 12:10 AM

AALIS muna ako sa lansangan at aakyat sa elevated trains natin, tutal bahagi pa rin naman ito ng transportation sa Kalakhang Maynila.

Napag-alaman ko kasi sa isang report ni Partylist Rep. Jericho Nograles na nagbayad ang pamunuan ng MRT 3 ng umaabot sa kagila-gilalas na P80 milyon sa Busan Universal Rail Inc. o BURI para sa carwash ng mga bagon ng MRT 3.

Ayon kay Nograles, araw-araw ay nagbabayad ang MRT 3 ng P74,000 o P2.22 milyon kada buwan para  hugasan ang mga Light Rail Vehicles o LRV ng train system natin sa EDSA.

Isa lamang ito sa mga naglalabasang anomalya sa loob ng BURI na siyang responsable sa maintenance at service ng MRT 3.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin seamless o walang patid ang serbisyo ng MRT at madalas pa rin itong humihinto halos araw-araw.

Noong una, ang sinasabi ni dating Transportation Secretary Jun Abaya, wala naman daw pinagkaiba ang service performance ng BURI sa ibang naging maintenance provider ng MRT tulad ng Sumitomo.

Pareho rin naman daw na humihinto at nagkaka-aberya ang MRT noon pa man.

Of course, ang hindi sinabi ni Abaya, nagbabayad ang dating provider sa bawat paghinto ng mga tren ng MRT sa nawalang kita dahil sa aberya. Wala sa BURI ang ganitong probisyon sa kontrata.

Hindi rin sinasabi nila Abaya na di hamak na mabilis ang pagkumpuni ng nakaraang mga providers kaya hindi ito nararamdaman ng mga pasahero ng MRT. Sa BURI, basta nasira, hintay na lang lahat ng pasahero.

Ngayon, matutuklasan natin na pati carwash ng LRV ay sagot ng pamahalaan, sa pamamagitan ng MRT 3, at pati tubig na panghugas ng bagon ay taumbayan ang nagbabayad.

Puwede naman na hindi preskong tubig galing sa gripo ang gamitin. Puwede naman na inipong tubig ulan, o kahit discounted yun presyo galing sa water service provider.

Pero P80 milyon para sa carwash? E, sa kasalukuyang halaga ng carwash ngayon, mahigit sa 500 kotse na ang malilinis araw-araw. Saan ba nila pinapa-carwash ang mga bagon ng MRT 3? Sa Timog o sa Evangelista?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento o reaksyon sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending