Daniel kay Kathryn: Gusto mo bang kagatin kita, payag ka ba? | Bandera

Daniel kay Kathryn: Gusto mo bang kagatin kita, payag ka ba?

Reggee Bonoan |June 08,2017
facebook
share this

Daniel kay Kathryn: Gusto mo bang kagatin kita, payag ka ba?

Reggee Bonoan - June 08, 2017 - 12:05 AM

WINNER ang trailer ng seryeng La Luna Sangre nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa loob lang ng 15 oras ay umabot na sa 3 million ang views nito at patuloy na pinag-uusapan sa social media.

Maging ang tambalang KathNiel at buong cast at production ay sobrang proud sa trailer ng serye kaya tiyak na marami ang mag-aabang sa pagsisimula nito sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Ngayon pa lang ay looking forward na ang KathNiel fans all over the world sa pag-ere ng La Luna Sangre sa Hunyo 19.

Kuwento nina Daniel at Kathryn, dalawang klaseng martial arts ang pinag-aralan nila, ang Pekiti at Wushu dahil matitindi nga ang mga action scenes nila sa programa.

Bilang anak ng lobo at bampira, si Kathryn ang pinaniniwalaang “itinakda” dahil sa pinaghalong lakas ng kanyang magulang sa kuwento na sina Lia (Angel Locsin) at Matteo (John Lloyd Cruz) na mapapalaban naman sa hari ng mga bampira na si Sandrino (Richard Gutierrez).

Tinanong ang KathNiel kung sino ang gusto nilang kagatin para makasama nila habambuhay, sabi ni Kath, “Siyempre kakagatin mo ‘yung taong mahal mo para makasama mo habambuhay.”

Para naman kay Daniel, “Ako tatanungin ko muna kung magpapakagat siya at kung gusto niya akong makasama habambuhay kasi hindi naman lahat ng tao gustong mabuhay ng habambuhay. Ikaw (sabay tingin kay Kathryn) gusto mo bang kagatin kita, gusto mo ba akong makasama habambuhay? Siyempre buong pamilya ko para makasama ko habambuhay at saka si tita Mhin (nanay ni Kath) tatanungin ko kung gusto niya.”

Ilang taon na rin ang relasyon nina Daniel at Kathryn at never nating nabalitang na nag-away sila o nagkatampuhan kaya marami ang naniniwala na kung sakaling ang dalawa na ang magkakatuluyan sa ending ay hindi nga namana ni DJ ang pagiging babaero ng mga Padilla.

Samantala, kasama rin sa La Luna Sangre sina Randy Santiago, Tony Labruska, Joross Gamboa, Gelli de Belen, Ina Raymundo, Sue Ramirez, Romnick Sarmenta at marami pang iba mula sa direksyon nina Cathy Garcia Molina at Richard Arellano mula sa Star Creatives.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending