Relasyong Ryan-Juday winawasak ng mga hater sa social media | Bandera

Relasyong Ryan-Juday winawasak ng mga hater sa social media

Alex Brosas |June 04,2017
facebook
share this

Relasyong Ryan-Juday winawasak ng mga hater sa social media

Alex Brosas - June 04, 2017 - 12:15 AM

Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos

PINALABAS ng isang basher sa Instagram na mayroon pang ibang babae si Ryan Agoncillo bukod kay Judy Ann Santos sa comment sa IG photo ni Ryan na kasama niya ang anak niya.

Nag-comment naman si Ryan na “Wag mo sayangin ang panahon sa mundong ibabaw kaibigan.

Maraming dapat pagtuonan ng pansin, ibuhos mo oras mo sa mga mahal mo sa buhay. Mas may mararating yon kesa sa pananakit sa kapwa. Walang interesado sa opinion mo.”

“Grabe mga fans kahit mali na ginagawa ng idol nyo tanggapin na lang? OMG kaya maraming pamilya na dala dalawa pamilya hinahayaan lang. Tanggapin na lang na may anak sa iba ang asawa? What’s wrong in the Philippines kaya binabalewala na lang na dalawa o tatlo nanay ng mga anak ng iba kasi hinahayaan nyo. Kawawa mga bata tulad ng batang ito ang guwapo pa naman @ryan_agoncillo.”

“Naku mga fans sana huwag naman itolerate ang pagkakamali ng isang tao grabe dapat pala huwag matakot o makonsensya ang asawa nyo na mag ano ng ibang babae grabe namang bansa ito,” wailed one basher.

Parang masyadong sweet ang response ni Ryan, ha. Knowing him na may katarayan, parang hindi kami makapaniwala na he’s sweet sa atake sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending