AlDub todo laplapan sa ending ng 'DTBY' | Bandera

AlDub todo laplapan sa ending ng ‘DTBY’

Jun Nardo |May 27,2017
facebook
share this

AlDub todo laplapan sa ending ng ‘DTBY’

Jun Nardo - May 27, 2017 - 12:01 AM

alden richards at maine mendoza

SULIT na sulit ang AlDub Nation sa finale kagabi ng Destined To Be Yours sa GMA 7.

Imagine, hindi lang kasi isang beses naghalikan sina Alden Richards at Maine Mendoza, huh!

Take note na ngasaban talaga ng labi ang dalawa! Walang hangin na puwedeng pumagitna habang sila’y naghahalikan! Sarap na sarap sila sa isa’t isa!

Kaya naman ang ADN, overload talaga sa kasiyahang ibinigay nina Alden at Meng sa huling hirit ng kanilang drama series!

Ayon sa post ng ilan nilang fans, ang mga idolo nila ang siyang sumulat ng kani-kanilang wedding vows.
Samantala, sa post naman sa social media account ni Sheena Halili, nagpasalamat siya kina Alden at Meng.

“Nakakakilig at nakakaiyak! Salamat sa inyo. Nabubuhay ang kilig ko kapag nakikita ko kayo sa set at sa TV. Mamimiss ko kayo!”

Sigaw pa ng ADN, sana lagyan ng honeymoon stage ang kasal nina Alden at Maine, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending