Matangkad na aktor bantay-sarado ng dyowang beki sa sugalan | Bandera

Matangkad na aktor bantay-sarado ng dyowang beki sa sugalan

Ronnie Carrasco III |May 25,2017
facebook
share this

Matangkad na aktor bantay-sarado ng dyowang beki sa sugalan

Ronnie Carrasco III - May 25, 2017 - 12:15 AM

BLIND ITEM MALE 0412

DA who naman ang isang matangkad pero plain-looking actor na masuwerteng nagkaroon ng mayamang gay benefactor?

Pamilyar na mukha ang aktor na ito in an e-bingo establishment sa isang sikat na kalye sa Quezon City for a motorist’s TBA buys.

Sa pagitan ng dilim at umaga siya kung sumalakay, namumutok ang bulsang nakikipagsapalaran sa nasabing game of chance.

Pero kabuntot naman niya ang kanyang azucarera de papa cum mama na siyang namumuhunan ng kanyang pantaya sa isang VIP roon kung saan naglalaro lang siya mag-isa.

Madalas ay umuuwi siyang olat. Susunduin na lang siya ng kanyang baklitang katipan at sa kung saan sila dadalhin ng kanilang mga paa ay sila lang ang nakakaalam.

Kahit tukuyin namin ang pagkakakilanlan ng kanyang gay dyowa might strike as a blind item. Pero ang aktor na ito—na pahada pala sa kanilang bayan na puwedeng marating via Rizal o SLEX—ay produkto ng isang artista search.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending