Pangarap ni Coco natupad na kasama ang mga senior citizen | Bandera

Pangarap ni Coco natupad na kasama ang mga senior citizen

Ervin Santiago |May 23,2017
facebook
share this

Pangarap ni Coco natupad na kasama ang mga senior citizen

Ervin Santiago - May 23, 2017 - 12:05 AM

COCO MARTIN

COCO MARTIN

SA wakas, natupad na rin ng Teleserye King na si Coco Martin ang isang bagay na matagal na niyang gustong gawin.

Last Sunday, napanood namin sa Rated K ni Korina Sanchez ang pagdalaw ni Coco sa Graces Home for the Aged kung saan binisita at pinaligaya niya ang mahigit 300 na lolo’t lola na nakatira roon.

Sa panayam kay Coco, sinabi ng award-winning actor na dream come true para sa kanya ang pagpunta sa Graces Home na matagal na niyang nais mabisita para maka-bonding ang mga senior citizen doon.

“Masaya sila kasi nakita nila ako. Isa sila sa pinakamalapit sa puso ko dahil lumaki nga kasi ako sa lolo ko, saka sa lola ko. Kasi, kung nasaan man ako ngayon, ang lola ko ang naghubog sa akin, siya talaga ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagsumikap sa buhay.

“Kaya sabi ko parang pag nakakakita talaga ako ng lolo at lola nahahabag ako, nalulungkot ako. Kung mapapansin niyo sa lahat ng soap opera ko ang leading lady ko lola, kasi napakalaking bahagi nila kung anuman ang pagkatao ko ngayon,” ani Coco.

Sey pa ng lead star ng nangungunang action serye sa bansa, ang FPJ’s Ang Probinsyano na tatagal pa nga hanggang 2018, “Ilang beses na ako nagtangka na magpunta dito para magpasalamat at makita sila personally. At ngayon nabigyan ako ng oras. Masarap sa pakiramdam na nakatulong.”
Abot-langit naman ang pasasalamat ng mga taong nasa likod ng Graces sa pagbisita ni Coco para mapasaya ang mga matatandang kababayan natin na nakatira roon. Napakalaking bagay daw ng pagpunta roon ng aktor na nagregalo pa ng mga unan para sa bawat isang senior citizen na kanyang nakilala.

Samantala, marami na ang excited sa mga susunod na pasabog ng Ang Probinsyano, lalo na ngayong madadagdagan na naman ang mga karakter sa number one serye ng bansa, kabilang na nga riyan ang mag-amang Lito Lapid at Mark Lapid.

Siguradong humataw na naman kagabi ang rating ng serye ni Coco dahil inabangan talaga ng madlang pipol kung paano pinasabog ni Joaquin (Arjo Atayde) ang venue kung saan ikinasal sina Cardo at Alyanna (Yassi Pressman). I‘m sure knows n’yo na kung may namatay sa pasabog ni Joaquin at kung totoo ang hula ng ilang viewers na mamamatay si Yassi.

Pero kung ang pagbabasihan n’yo ay ang mga litratong kuha sa nakaraang meeting ng Dreamscape Entertainment kung saan ipinakilala nga ang mga bagong karakter na mapapanood sa Probinsyano, mukhang nanganganib nga ang karakter ni Arjo dahil wala na siya sa mga litrato ng bagong cast kasama si Coco.

Ang ilan sa mga makakasama sa bagong yugto ng buhay ni Cardo ay sina Sid Lucero, John Arcilla, Pokwang, Angel Aquino, Ejay Falcon, Jhong Hilario, Long Mejia Mitch Valdes at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending